Connect with us

Uncategorized

“We care for each other”: AJ Raval, Inamin sa Publiko na Totoong Nanliligaw sa Kanya ang Aktor na si Aljur Abrenica

Kamakailan lamang nang kumalat ang samu’t saring espekulasyon tungkol sa hiwalayan ng dating mag-asawang sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica, kung saan nga ay nasangkot ang pangalan ng seksing aktres na si AJ Raval.

Credits: AJ Raval | IG

At nito lamang ika-5 ng Oktubre sa isang eklusibong interview ng Pep.ph kay AJ, ay lakas loob ang naging pag-amin ng aktres sa tunay na namamagitan sa kanila ni Aljur. Naging diretsahan ang pag-amin ni AJ na kung saan ay totoong nililigawan siya ni Aljur Abrenica.

“Yes, totoo. Hindi ako magpapakaipokrita. Di na ako magsisinungaling, di na ako magde-deny, kasi mukha lang kaming tanga kapag nag-deny kami. Well, totoo naman na nag-uusap kami,”pahayag ni AJ.

Pag-amin pa ni AJ ay si Aljur raw ang kanyang manliligaw na boyfriend material. Matatandaan nga na minsan nang ibinahagi ni AJ sa kanyang vlog na mayroon siyang manliligaw ngayon ngunit hindi niya ito pinangalanan. Sa ngayon ay nanliligaw pa lang umano sa kanya si Aljur at nasa “getting to know each other” pa lamang sila at wala pang relasyon.

Credits: AJ Raval | IG

“Yes, siya. Nag-uusap kami. We understand each other. We care for each other. Pero wala pa kami sa point na may relasyon kami. Parang getting to know.”

Nagkasama si AJ at Aljur sa Viva Film na Nerisa na kung saan ay pinagbidahan ng aktor at leading lady nito na si Cindy Miranda. Ngunit, sa nasabing pelikula ay hindi naman nagkaroon ng intimate scene sina Aljur at AJ. Sa katunayan nga nito, ay mag-Kuya ang kanilang mga ginampanang karakter sa Nerisa.

Credits: Aljur Abrenica | IG

Nagsimula namamg lumutang ang isyu na may ugnayan sina AJ at Aljur matapos kumalat sa social media ang larawan ni Aljur habang siya’y topless na nagkakape sa veranda, at ang camera shot ay kuha mula sa bintana sa loob ng bahay. At dahil sa mga mapanuring mata ng mga netizens, ay napag-alaman na ang bintana sa kuha ng litrato ni Aljur ay kapareho ng bintana ng kwarto ni AJ sa kanilang bahay sa Pampanga.

Samantala, bago naman ma-isyu sila AJ at Aljur sa isa’t isa, ay pareho na silang single. Si AJ ay apat na buwan nang single matapos nilang maghiwalay ng kanyang dating nobyo na si Axel Torres noong June 2021. Ang kanilang relasyon ay nagtapos matapos ang halos dalawang taong pagiging magkasintahan.

Credits: Aljur Abrenica | IG

Habang si Aljur naman ay limang buwan nang hiwalay sa kanyang dating asawa na si Kylie Padilla. Si Kylie kasama ang kanyang dalawang anak na sina Alas at Axl ay lumipat na ng bahay. Noong ika-1 ng Oktubre, ay nakarating naman kay Kylie ang balitang nauugnay si Aljur kay AJ. At sa kanyang post sa Twitter, ay nilinaw ng aktres na walang problema sa kanya kung may iba nang babae si Aljur.

Diretsahan ring sinabi ni Kylie na noong naghiwalay sila ni Aljur noong April ay nagkasundo sila na pareho silang malayang gawin ang gusto ng bawat isa at maaari rin silang makipag-date sa iba.

error: Content is protected !!