Connect with us

Entertainment

‘WAP’ Dance Challenge ng Aktres na si Maja Salvador at Komedyanteng si Pooh, Kinagiliwan at Naghatid ng Good Vibes sa mga Netizens

Marami nga sa atin ang aliw na aliw sa mga videos na napapanood sa online video sharing apps tulad ng YouTube at Tiktok. Nauso na rin ang iba’t ibang dance challenge lalo na sa Tiktok na kung saan ay talagang mapapangiti tayo sa hatid na ilang minutong mga videos.

At kung dance challenge lang din ang pag-uusapan, hindi magpapahuli diyan ang mga sikat na celebrities na todo hataw sa dance floor. Ngunit, pagdating naman sa dance challenge ay may kakaibang pakulo upang bigyang kaligayahan ang kanilang mga tagahanga.




Isa na nga rito ang napakagandang aktres na si Maja Salvador, na hindi lamang sa pag-arte at pag-awit nangingibabaw ang husay kundi maging sa gitna ng dance floor na kung saan ay bigay na bigay at todo hataw sa pag-indak. Ilang beses na nating nasaksihan ang galing ni Maja sa pagsayaw, lalo na sa noon time show ng ABS-CBN na ASAP kung saan ay binansagan siyang “Queen of Dance Floor” dahil sa kanyang galing sa pagsayaw.

Photo credits: Maja Salvador | Instagram

Madalas ring isabak si Maja sa mga dance showdown na talaga namang hindi nagpapatalo at pinapatunayan na siya ang nag-iisang “Queen of Dance Floor”. Makikita sa bawat indak, giling at galaw ng katawan ni Maja na walang dudang napakahusay niya.

Matatandaan na minsan nang nagkasama sina Maja at Pooh sa dance showdown sa isang concert na marami ang napasaya at napahalaklak sa kanilang magandang chemistry pagdating sa pagtatanghal sa stage.

At kamakailan nga, ay kinagiliwan si Maja at ang komedyanteng si Pooh sa isang video na nagpasaya at naghatid ng good vibes sa mga netizens. Ang dalawa ay kumasa sa ‘WAP’ Dance Challenge kung saan ay may kakaibang pakulo upang mapasaya ang mga netizens.




Sa Instagram nito lamang September 18, araw ng Biyernes, ay masayang ibinahagi ni Maja ang maikling video ng ‘WAP’ Dance Challenge nila ni Pooh. Na nilakipan naman ng aktres ng caption na:

“Now from the top! #WAPCHALLENGE 😅 #MajoAndMaja”

Mapapanood sa video, na ang bumungad sa pagsayaw na si Maja ay biglang naging si Pooh, na kung saan ang suot na damit ni Maja ay ito rin ang suot na damit ng komedyante. Wala na ngang nakapigil pa kay Pooh na ituloy ang nasimulang sayaw ni Maja. Makikita nga na todo indak ang komedyante na talagang enjoy na enjoy habang sumasayaw.

Ang kanilang ‘WAP’ Dance Challenge ay kinagiliwan hindi lamang ng mga netizens kundi pati ng mga kaibigan nila sa showbiz na nagbigay pa ng komento tulad nina Ria Atayde, Moira dela Torre, Rayver Cruz, Erich Gonzales, at Billy Crawford.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MAJA (@iammajasalvador) on

error: Content is protected !!