Connect with us

Entertainment

“Walang magulang na gusto ang anak niya ay parang kabit”: Jeric Raval, Nagbigay ng Pahayag Kaugnay Sa Panliligaw Ni Aljur Abrenica Sa Kanyang Anak Na si AJ Raval

Bilang isang ama sa kanyang anak na si AJ Raval ay nagbigay na ng kanyang pahayag ang action star na si Jeric Raval kaugnay sa kinasasangkutang isyu ng kanyang anak.

Nito lamang ika-29 ng Oktubre sa panayam ni Jeric kay Nay Cristy Fermin sa online show nitong “Cristy Ferminute” kasama si Romel Chika, ay hindi na nga nagdalawang isip pa ang aktor na linawin ang ilang bagay. Pag-amin ni Jeric, magmula nang pumutok ang balitang nanliligaw diumano ang aktor na si Aljur Abrenica kay AJ, ay marami ang kanyang natatanggap na pambabatikos mula sa mga netizens kung paano niyang pinalaki ang kanyang anak.

Lumalabas ngayon sa mga balita, na may relasyon diumano sina AJ at Aljur, at may mga nagsasabi pang si AJ raw ang third party sa paghihiwalay ng aktor at ng dati nitong asawa na si Kylie Padilla. Hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami na dalaga pa si AJ, samantalang si Aljur naman bagama’t hiwalay sila ni Kylie, ay hindi parin legal ang kanilang paghihiwalay. Kung kaya’t, lumalabas nga na pumatol parin si AJ sa lalaking may asawa. At ito nga ang bagay na kinukuwestiyon ng netizens.

Sa kabila ng mga natatanggap na pambabatikos ni Jeric, ay hangad parin niya ang maging maayos na ang pamilya ni Aljur.

“Pagdating kasi sa ganyan, magulang kaagad ang tinatanong ng tao. Ang dami na nga nangba-bash sa akin wala naman akong kinalaman diyan at kung ganu’n daw ba pagpapalaki ko sa anak ko.”

“Ang masasabi ko lang diyan, ang wish ko lang talaga, e, magkaayos ang pamilya ni Aljur at ang mga anak niya, mabuo ang pamilya niya.”

Binigyang diin naman ni Jeric, na kahit gusto ni Aljur ang kanyang anak, ay kasal parin ito kay Kylie. At ayon nga rito, ay walang magulang ang gustong maging kabit ang kanilang anak.

“Ako wala akong masamang tinapay kay Aljur although kababayan ko ‘yan pareho kaming Kapampangan at kung siya’y talagang gusto niya ang anak ko, e, hindi ko naman mabantayan ang anak ko 24 hours basta i-ayos lang nila ang lahat.”

“Kasi kahit anong sabihin natin, kasal pa rin si Aljur at saka si Kylie at walang magulang na gusto niya ang anak niya ay parang kabit. Walang magulang na ganu’n.”

Pagbabahagi naman ni Jeric, ang kanyang anak na si AJ ay hindi lumaki sa kanyang biological mom kundi lumaki sa poder niya kung saan ay nahubog sa pangaral ng kanyang asawang si Holiday.

Samantala, naitanong rin sa aktor kung paano niyang pinayuhan ang kanyang anak kaugnay sa isyu.

“Sabi ko sa kanya, ‘AJ anak dapat ‘yan pag-ingatan n’yong mabuti kung magliligawan kayo kasi kahit ano pang sabihin natin ang paningin ng tao diyan, eh, baka isipin ikaw ay 3rd party although hindi ka naman 3rd party. Nagpapasalamat naman kami at nagsalita naman si Aljur.”

Kwento pa ni Jeric ay sobrang naaapektuhan ang kanyang anak sa nangyayari kung saan nga ay nakikita niyang umiiyak. At bilang isang ama, ay talagang naaawa si Jeric sa kalagayan ng kanyang anak.

“Apektado ‘yung anak ko nakita ko, e, napaka-masiyahin ng batang ‘yun, eh. Playful pa nga ‘yun hanggang ngayon, naawa lang (talaga) ako. Ako okay lang ako ma-bash lalaki naman ako sanay ako sa ganyan. Wag lang ‘yung anak ko, iba pag anak ko naawa ako.”

Nag-iwan naman ng mensahe si Jeric sa mga basher na patuloy na nagbibigay ng mga negatibong komento sa kanyang anak kaugnay sa isyu. Ayon nga sa aktor, ay mag-move on lamang sa mga nangyayari dahil hindi kilala ng mga ito ang kanyang anak, at kung may higit mang nakakakilala sa kanyang anak, ay siya ang taong iyon.

“Sana po lahat ng bashers niya ay maka-move on nap o tayong lahat. ‘Wag po natin masyadong personalin, unang-una hindi naman po natin (ninyo) kilala at kung may nakakakilala po sa anak ko, ako po ‘yun at sinisigurado kop o mabuting bata po ‘yan at mabait na bata.”

“At ako naman, eh, naiintindihan ko ang pamba-bash n’yo, siguro naiinip lang kayo ha, haha. Well again, salamat sa inyo.”

error: Content is protected !!