Connect with us

Entertainment

Walang Kupas na Kagandahan ng Aktres na si Ina Raymundo sa Kanyang Throwback Photo, Kinagiliwan ng Kanyang mga Tagahanga

Si Rina Marie Padilla Raymundo sa kanyang tunay pangalan sa likod ng camera, ay kilala rin ng kanyang mga fans sa industriya ng showbiz bilang si Ina Raymundo. At ang pangalan nga ni Ina, ay kabilang sa mga hinahangaang aktres, at masasabing hot mama dahil sa kabila ng kanyang edad, ay makikitang napakaganda at napakaseksi parin niya.

Sa ngayon ay 45 taong gulang na ang aktres, ngunit hindi naman maikakaila na kaya niya paring makipagsabayan sa mas bata sa kanya sa taglay niyang ganda at magandang figure. Kahit nga nagkakaedad na, ay nagawa paring panatilihin ni Ina ang kanyang magandang mukha at magandang katawan.

Photo credits: Ina Raymundo | IG

Hindi na rin lingid sa kaalaman ng marami na may 5 anak na si Ina. Ngunit sa kabila nga nito, ay aakalain na dalaga pa ang aktres dahil sa magandang hubog ng kanyang katawan. Dahil nga dito, ay marami ang nagtataka at talagang curious sa sekreto ni Ina kung paano niya napanatili ang kanyang magandang awra at fit na katawan.

Patunay naman sa kanyang kahanga-hangang kagandahan ay ang kanyang mga magaganda at seksing larawan na kanyang ibinabahagi sa kanyang Instagram account. Sa mga larawan nga ng aktres ay masisilayan na talagang hindi kumupas ang natatanging kagandahan ni Ina.

Photo credits: Ina Raymundo | IG

Sa isang throwback photo nga, ay makikitang tila hindi nalalayo ang hitsura ni Ina magmula noon hanggang ngayon. Makikita sa larawan na nakasuot ng isang classic long dress si Ina kung saan nga masisilayan ang kanyang taglay na kagandahan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ina Raymundo (@inaraymundo95)

Sa isa pang larawan, ay napaka-sweet 16 ang dating ng kanyang awra kung saan ay makikitang nakasuot naman siya ng pink spaghetti strap. Ang nasabing larawan ay nilakipan naman niya ng caption na:

“Sweet & curly at 16” na sinamahan niya ng hashtags na sweet16, blastfromthe past at hashtag 27yearsago.

Makikita sa kanyang throwback photos na sadyang napakaganda niya sa kanyang suot, at bagay na bagay rin sa kanya ang kanyang curly hair na sinamahan rin ng kanyang matamis na ngiti.

Photo credits: Ina Raymundo | IG

Ibinahagi rin ni Ina ang isang throwback photo kung saan nga ay sinabi niya na nag-modelling siya noong 18 taong gulang pa lamang siya noong 1994. Sa larawan ay makikitang nakasuot ng floral dress si Ina, kung saan nga ay hindi niya maiwasan ang sariwain ang masayang alaala ng kanyang kabataan.

“Throwback:1994 floral dresses remind me of my teen years. I was 18 here doing some modelling.”

Photo credits: Ina Raymundo | IG

Masisilayan sa larawan na bagay na bagay kay Ina ang maging isang modelo lalo na nga’t bukod sa maganda ay napakaseksi rin niya.

Marami naman ang talagang humahanga kay Ina sa taglay niyang kagandahan. At hindi maitatanggi na nagsisilbi ring inspirasyon si Ina sa maraming kababaihan, na ingatan at pangalagaan parin ang kanilang katawan sa kabila ng pagdagdag ng kanilang edad.

error: Content is protected !!