Connect with us

Entertainment

“Wala akong planong mag-asawa”: Judy Ann Santos, Inamin na Walang Planong Mag-asawa Noon at Nais Lang Magkaroon ng Anak

Sa isang vlog ay nakapanayam ng celebrity doctor na si Aivee Teo ang aktres at celebrity mom na si Judy Ann Santos, kung saan isang rebelasyon ang ibinunyag sa kanilang masinsinang pag-uusap.

Credits: Judy Ann Agoncillo | IG

Nitong weekend lamang inilabas sa YouTube channel ang vlog ng celebrity doctor, kung saan nga ay inamin ni Juday na wala sa plano niya noon ang pagkakaroon ng makakasama sa buhay, o isang asawa.

“Wala akong planong mag-asawa,” ito nga ang diretsahang pahayag ni Juday na nasabing panayam. At ang rebelasyong ito ng aktres ay agad naman niyang naipaliwanag.

Ayon nga kay Juday, bago pa man niya makilala ang ama ng kanyang mga anak na si Ryan Agoncillo, ay hindi sumagi sa isip niya ang pag-aasawa. At ang dahilan nga nito, ay nasaksihan niya ang failed relationships ng ilan sa miyembro ng kanyang pamilya at pati na rin ng kanyang mga malalapit na kaibigan. At dahil nga dito, ay dumating raw sa punto na pakiramdam niya ay hindi niya kailangan ng asawa sa kanyang buhay.

“Kasi parang galing ako sa… My mother had a failed relationship with my dad. My sister had a failed relationship as well. And I had friends na medyo hindi maganda mga experience nila sa mga asawa nila. Kaya feeling ko hindi kailangan ng asawa.”

Credits: Judy Ann Agoncillo | IG

Kwento pa nga ni Juday, ay ayos lang raw sa kanya na wala siyang mapangasawa. Ngunit, isang magandang pagkakataon ang dumating sa kanya, dahil ang kanyang asawang si Ryan ay tulad rin niyang nais na mag-asawa sa edad na 30.

“Ang sa akin, at 30, kung may partner eh ‘di magpakasall—kapag talagang worth it siyang pakasalan. Kung wala talaga okay lang din,” she went on. “Tapos nagkataon lang na pareho naming gusto magpakasal ni Ry at 30. Kasi he proposed when I was 29.”

Pag-amin pa ni Juday, nang mga sandaling hindi pa sumasagi sa isip niya ang pag-aasawa, ay nais niya talagang magkaanak sa kahit na anong paraan. At sa edad niya na 26, ay ipinagkaloob sa buhay niya ang kanyang adopted child na si Yohan.

“I prayed to have a baby at 26. It doesn’t matter on how,” saad ni Juday.

“Lo and behold, Lord blessed me with Yohan at the age of twenty six.”

Credits: Judy Ann Agoncillo | IG

Matatandaan nga na bago pa man ikasal si Juday kay Ryan noong 2009, ay nasa poder na si Juday si Yohan. Kaya naman, pagkatapos lamang ng kanilang kasal ay legal nang inadopt ni Ryan si Yohan. Si Yohan na nga ang nagsisilbing panganay na anak ng mag-asawang Juday at Ryan. Maliban naman kay Yohan, ay may dalawang biological children ang celebrity couple, sina Lucho at Luna.

Taong 2004 nang makakilala sina Ryan at Juday sa teleseryeng Krystala. At ang kanilang matamis na pag-iibigan ay nagsimula na nga noong 2005. Hindi naman na pinalampas ng dalawa ang pagkakataon na ang kanilang pagmamahalan ay mauwi sa pag-iisang dibdib. Pagsapit nga ng 2009, ay nagpalitan na ng kanilang wedding vows sina Ryan at Juday matapos maengaged noong 2008.

Credits: Judy Ann Agoncillo | IG

Sa ngayon, ay talaga namang napakasaya ng mag-asawang Ryan at Juday kapiling ang kanilang tatlong anak na sina Yohan, Lucho at Luna.

error: Content is protected !!