Connect with us

Entertainment

“Wala akong nakikitang mali sa katawan ko”: Camille Prats, Sinagot ang mga Basher na Nagbibigay ng Negatibong Komento sa Kanyang Katawan

Inspirasyon ang hatid sa mga kababaihan ng aktres at TV host na si Camille Prats. Ito nga ay matapos niyang ibahagi ang kanyang fitness journey na kung saan ay matagumpay na nakamit ang kanyang inaasam na fit and healthy body.

Sa Instagram ay ibinahagi ni Camille ang kanyang selfie photo kung saan nakasuot siya ng pink sleeveless dress na bagay na bagay sa kanya. Kapansin-pansin rin ang angking kagandahan ni Camille lalo na ang kanyang magandang hubog ng katawan. Ang nasabing larawan ay nilakipan naman ng caption na:

“When there’s good lighting.”

Photo credits: Camille Prats | IG

Maraming netizens ang humanga sa larawang ibinahagi ni Camille sa kanyang Instagram kung saan masisilayan ang kanyang fit and toned body na bunga ng kanyang pagwowork out sa loob ng ilang buwan. Sa kabila ng mga natanggap niyang paghanga at papuri sa magandang resulta ng kanyang katawan, ay may mga tao paring hindi natuwa at hinanapan ng kapintasan ang katawan ni Camille.

Hindi nga naiwasan ni Camille na makatanggap ng mga negatibong komento mula sa mga basher na sumira ng kanyang magandang mood. Hindi naman ito pinalampas ng aktres, at diretsahan niyang sinagot ang mga negatibong komentong ibinabato sa kanya ng mga basher.

Makalipas lamang nga ang ilang minuto, ay isang Facebook post ang ibinahagi ni Camille kung saan naglalaman ng mensahe para sa mga taong nagbibigay ng negatibong komento sa kanyang katawan. Mensahe ng ang aktres, ay maayos at malusog ang kanyang kalusugan. Binigyang diin rin niya na wala siyang nakikitang mali sa kanyang katawan.

“To those sending comments about my body, I am at my healthiest. I know I cannot please all of you, but I don’t see anything wrong with my body.”

Photo credits: Camille Prats | IG

Paglilinaw pa ni Camille ay wala siyang problema sa kanyang kalusugan at wala rin siyang dinaramdam na sakit kung bakit siya pumayat. Tiniyak naman ni Camille na walang dapat ipag-alala ang kanyang mga tagahanga at tagasuporta dahil malakas at healthy raw siya.

Ibinahagi naman ni Camille na masaya siya sa kanyang katawan ngayon. At ang nais lamang niya ay magbigay inspirasyon sa mga tulad niya na nais ring pumayat at makamit ang minimithing fit and healthy body.

Photo credits: Camille Prats | IG

“Sa mga hindi natutuwa, pasensiya na po. I’m really happy where I am physically. And I hope to inspire more people to choose a healthier lifestyle. Love and light!!” pahayag pa ng Kapuso star.

Samantala, sa isang vlog ay minsan nang ipinakita ni Camille ang kanyang ginagawang work out kasama ang kanyang asawa na si VJ Yambao para makamit ang tamang timbang para sa kanyang height. Maliban sa pagwowork out, ay sinabayan rin ito ng aktres ng balanced diet. At ngayon nga, ay talagang masisilayan ang fit and sexy na ang katawan ni Camille, na malayong malayo sa katawan niya dati magmula nang magkaanak.

Photo credits: Camille Prats | IG

“I also do my workout in the morning with an empty stomach coz I feel like mas magaan mag-workout, at sabi nila mas effective daw yun so that’s what I’m also doing.”

“Malaking part talaga nu’n, not eating pork and beef. Nu’ng pinalitan ko yung diet ko because my husband suggested na mag-chicken na lang kami o more of fish and seafood, I also noticed na parang hindi ganu’n ka-bloated yung feeling ko each and every time I eat.”

error: Content is protected !!