Connect with us

Entertainment

Vlogger na si Zeinab Harake Nag-ala Prinsesa sa kanyang Disney Princess Themed Maternity Photoshoot

Nag-ala Disney princess ang sikat na vlogger na si Zeinab Harake matapos nitong mag pa maternity shoot suot ang mga napakagandang gown hango sa Disney Princesses, na sina Snow White, Aurora ng Sleeping Beauty, Ariel ng The Little Mermaid, Jasmine ng Aladdin, Belle ng Beauty and the Beast, at Cinderella.

Hinangaan sa social media ang mga maternity shots ng sikat na youtuber na si Zeinab Harake dahil nag ala Disney Princess sya sa mga kuha nya dito. Sa kanyang latest vlog ipinasilip niya ang naging preparasyon ng kanyang magiging photoshoot. Ayon pa dito na bata palang sya ay sinusubaybayan nya na at fan na sya ng mga Disney Princesses at matagal nya nang pangarap ang makapag suot ng gown na hango sa mga Disney Princesses.

Unang isinoot ni Zeinab ang gown ni Belle ng Beauty and the Beast, makikita ang ganda nya suot ang dilaw na costume.

Sumunod naman ay ang gown ni Aurora ng Sleeping beauty, suot niya ang isang kulay pink na costume na may suot na korona. Habang kinukunan ng pictures ay napapaligiran si Zeinab ng makukulay na artificial flowers habang nakahiga sa napakagandang setup ng kama.

Sumunod naman na sinuot ni Zeinab ay ang costume ni Ariel ng The Little Mermaid, sa setup naman na ito ay may background si Zeinab na isang malaking perlas at napapalibutan ng mga corals.

Sumunod naman ay ang costume ni Snow White kung saan may hawak hawak syang basket na puno mansanas.

Sumunod naman ang costume ni Cinderella kung saan litaw na litaw ang kanyang kagandahan.

Pagkatapos ng Cinderella setup ay sumunod naman ang costume ni Jasmine ng Alladin.

Talagang nag enjoy si Zeinab sa kanyang naging maternity shoot dahil isa ito sa kanyang mga pangarap ang maging Disney Princess.

https://youtu.be/Z60Iq-aPNhE

 

 

error: Content is protected !!