Connect with us

Entertainment

Vlogger na si Zeinab Harake, Kitang-kita Parin ang Angking Ganda at Kaseksihan Kahit Buntis at Malaki na ang Tiyan sa Kanyang Sexy Version Maternity Photoshoot

Pinatunayan ng vlogger na si Zeinab Harake na kahit buntis at malaki na ang tiyan, ay kayang-kaya niya paring umawra at ipakita ang kanyang taglay na ganda at kaseksihan sa kanyang sexy version maternity photoshoot.

Photo credits: Zeinab Harake | IG

Matatandaan na nauna nang pinahanga at pinabilib ni Zeinab ang kanyang mga followers sa kanyang Disney Princess-themed maternity photoshoot, kung saan ay talagang nasilayan ang kanyang mala-prinsesang kagandahan.

Bagama’t, may Disney Princess-themed maternity photoshoot na si Zeinab noong nakaraan, ay hindi naman niya nakaligtaang gawin ang kadalasang ginagawa ng mga preggy mommy na sexy maternity photoshoot. At sa kanyang latest vlog nga nito lamang-ika 15 ng Abril, ay ipinasilip ni Zeinab ang behind the scene ng kanyang kahanga-hanga sa ganda at kaseksihang kuha ng mga larawan.

Photo credits: Zeinab Harake | IG

Kasama ang glam team at stylist ni Zeinab na si Patty Yap, pati na rin ang photographer na si Andrea, ay talaga ngang nakamit ni Zeinab ang nais niyang sexy maternity shoot kung saan masisilayan ang kanyang taglay na ganda at kaseksihan.

Mula sa kanyang hair and make up ay ipinasilip ni Zeinab hanggang sa bawat shoot ng lay out. Samantala, sa shoot na ito ay 4 na lay out ang kanilang gagawin na pawang mga seksi ang isusuot niyang damit. Una nga ay isang kulay black na see through maternity gown. Pangalawang lay out naman ay isang isang white halter maternity gown kung saan nakalitaw ang malaki niyang tiyan.

Photo credits: Zeinab Harake | IG

Matatandaan naman na nag-photoshoot na si Zeinab gamit lamang ang panyong nakatakip sa kanyang dibdib noong hindi pa gaanong malaki ang tiyan niya. At ito nga ang 3rd lay out na isinama rin ni Zeinab sa lay out ng sexy maternity photoshoot niya ngayon. Ang itim na panyo, ay pinaresan naman ng leather pants na nakabukas ang zipper.

Ang pang-apat na lay out naman, ay hindi na ipinakita ni Zeinab ang behind the scene dahil maselan umano, lalo na sa mga batang nanonood dahil nga nakahubad siya.

Sa kabuuan ay makikita namang bagay na bagay kay Zeinab ang kanyang mga suot, kung saan ay talagang lumutang ang kanyang ganda at kaseksihan habang nakaawra sa harap ng camera.

Sa huli nga ay pinasalamatan ni Zeinab ang kanyang team, glam team, stylist at pati na rin ang photographer na ginawa ang lahat para maging matagumpay ang sexy version maternity photoshoot.

error: Content is protected !!