Connect with us

Entertainment

Vlogger na si Zeinab Harake, Ipinasilip ang Nursery Room ng Baby Girl nila ni Skuta Clee; Ibinunyag na rin ang Pangalan ni Baby Girl

Excited na nga ang vlogger na si Zeinab Harake sa nalalapit na pagdating ng panganay na anak nila ng kanyang boyfriend na si Skuta Clee, isang rapper at miyembro ng Ex Batalion na kilala rin sa tunay na pangalan niyang Daryl Ruiz. At nito lamang ika-25 ng Marso, araw ng Huwebes, ay ipinasilip na ni Zeinab ang inihanda nilang silid para sa kanilang baby girl.

Sa vlog na ibinahagi ni Zeinab na mapapanod sa kanyang Youtube Channel, ay inilibot niya ang kanyang mga viewers sa napakagandang garden-inspired nursery room ng kanilang prinsesa.

At ang napakagandang disenyo ng magiging silid ng kanilang anak ay naisakatuparan sa tulong ng mahusay na interior designer na si Elle Uy. Matapos nga makita ni Zeinab ang disenyo ay hindi maitago ang kanyang saya at mas lalo siyang nasabik sa nalalapit niyang pagsilang sa kanyang baby girl.

Masisilayan nga ang mala-prinsesang silid na pinalamutian ng disenyo ng bulaklak at butterflies, na mas pinaganda naman ng mga kagamitang kulay pink at puti na talagang bagay na bagay sa garden-themed room na napili ni Zeinab para sa kanyang baby.

Makikita sa loob ng nursery room ang kompletong kagamitan para sa isang sanggol tulad ng crib at baby rocker. Ngunit, maliban rito ay may makikita ring sofa beds, shelves, at may sarili rin itong comfort room para magamit anumang oras habang inaalagaan si baby.

“Para kung abutin ng kung anu ano, may sarili rin siyang CR. Naka-warm water naman ‘pag pinaliguan siya. Bibili na lang siguro ng patungan niya para safe and cute,”pagbabahagi ni Zeinab.

Samantala, sa nasabing vlog rin ay ibinunyag na ng soon to be mommy na si Zeinab ang pangalan ng kanilang baby girl. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng disenyo ng wallpaper kung saan nakakabit ang pangalang “Bia”, ay inihayag ng vlogger na ito ang napiling pangalan nila para sa kanilang anak. Ang nasabing logo ng pangalan naman ni Bia sa wallpaper, ay mismong si Daryl ang nagdisenyo.

Nilinaw rin ni Zeinab ang pagkalito ng mga viewers sa kanilang video noong nakaraan sa pangalan ng kanilang anak. Ito nga ay hindi “Pia” at hindi rin “Via” kundi ay “Bia”.

“Kung makikita niyo, [sa wallpaper], merong Bia. Nagtatalo talo sila sa comment section [doon sa last] vlog ko [about] BLACKPINK [kasi] nasabi ko ‘yung Bia. Sinasabi ng iba nun Pia [or] Via. Hindi po. Bia po,”saad ni Zeinab.

Matatandaan na noong buwan ng Enero lamang inamin ng magkasintahan, ang kanilang muling pagbabalikan matapos ang on-and-off nilang relasyon ng ilang taon. At ngayon nga, ay nalalapit na silang maging ganap na mga magulang sa kanilang panganay na anak.

error: Content is protected !!