Connect with us

Stories

Vlogger na si Tim Sawyer, Nais Makipag-ayos sa Kanyang Partner na si China Roces, Humingi na ng Tulong sa mga Netizens

Natural lamang sa mag-asawa ang mag-away paminsan-minsan, at parte na ito ng pagsasama ng mag-asawa upang malampasan ang mga pagsubok at problema para sa matatag na relasyon. Ngunit, di tulad ng ibang mag-asawa na nais maging pribado ang kanilang pag-aaway, kakaiba ang ginawang ito ng sikat na vlogger, kung saan ay isinapubliko ang kanilang away mag-asawa sa isang facebook live.



Mainit ngang usap-usapan ngayon sa social media ang pag-aaway ng vlogger na si Tim Sawyer at partner nitong dating FHM model at vlogger na si China Roces. Nagkaroon nga ng matinding pagtatalo ang dalawa kung saan ay idinaan sa Facebook live sa facebook account ni Tim. Si China ay naglakas-loob mag-live sa facebook upang masaksihan ng publiko ang kanilang pagtatalo. Bagama’t, agad na binura ang naturang live video, marami parin sa mga followers ni Tim ang nakakuha ng kopya ng buong video na umabot ng halos 12 minuto.

Photo credits: Tim Sawyer | Instagram  

Makikita nga sa video na hawak-hawak ni China ang telepono habang nakikipagtalo kay Tim. At base sa mga pahayag ni China, ay nais umanong iwan ni Tim si China at ang 5 buwang gulang nilang anak na si Baby Timothy. At ayon pa kay China, ang puno’t dulo umano ng away nila, ay ang pagsisikreto ni Tim ng kinikita nito sa mga vlog. Hindi rin raw ipinaalam ni Tim kay China na bumili ito ng sariling bahay at sasakyan.
Ang higit na nakakagulat pa sa sikreto ni Tim sa kanyang partner, ay ang plano nitong pagtatayo ng negosyo. Hindi naman talaga tama na magsikreto pa si Tim sa kanyang partner, lalo na’t kasama niya ito araw-araw at ina pa ng kanyang anak.

Photo credits: Tim Sawyer | Instagram

Ngunit, hindi lang pala usaping pera ang isyu sa pagtatalo ng dalawa. Dahil nga nahuli rin umano ni China si Tim na maraming kachat na babae.



Sa kabila naman ng mga paratang ni China, ay mariing itinanggi ito ni Tim. At ayon nga sa vlogger na si Tim, ay wala umanong katotohanan ang mga pahayag ni China. Wala raw siyang balak na iwan ang kanyang mag-ina, hindi rin raw niya pinagdadamot ang perang kinikita niya sa mga vlog. Dinipensahan rin ni Tim ang pakikipagchat niya sa ibang babae. Ayon nga rito, ay nakikipagchat lang umano siya sa mga babae dahil sa plano niyang makipag-collab sa vlog.

Photo credits: Tim Sawyer | Instagram

Ngunit, sa halip na maniwala si China kay Tim, ay tila mahihirapan si Tim na makuha ulit ang loob ng kanyang partner. Sa katunayan nga nito, ay nagpost pa si China sa Facebook ng labis na panghihinayang sa relasyon nila at sa mga pangarap na binuo nila ng magkasama. Nilakipan ni China ang kanyang post ng larawan ng kanilang pamilya, kasama si Baby Tim na itinuturing ni China bilang kanyang “Everything”.

Photo credits: Tim Sawyer | Instagram

Samantala, tila nga nahihirapan na si Tim na suyuin ang kanyang partner na si China. Sa pagkakataong ito, ay nais nang makipag-ayos ni Tim kay China, alang-alang sa kanilang anak. Kaya naman, humingi na ng tulong si Tim sa mga netizens upang magkaayos sila ni China dahil hindi raw niya kayang mawala ang kanyang mag-ina sa buhay niya.



“Sana ma tulongan nyo akong maging ok kami ulit ni china mahal na mahal ko pamilya ko diko kaya na ma buhay wala sila 😭 na aawa nako sa anak namin.”

Photo credits: Tim Sawyer | Instagram

Matatandaan na ilang buwan palang ang nakakalipas nang isilang ni China ang anak nila ni Tim na si Baby Tim. Kung kaya’t bilang isang bagong panganak at dami ng problemang kinakaharap ni China, marahil ay dumadaan ito sa postpartum depression. At ang pagla-live sa facebook ang nakita nitong paraan upang maibsan ang sakit na nararamdaman.

error: Content is protected !!