Connect with us

Entertainment

Vlogger na si Mimiyuuuh, Pinasaya ang kanyang mga Magulang Matapos Surpresahin ng Bagong Sasakyan na Nagkakahalaga ng 3 Milyong Piso

Marami nga ang naiinspire sa vlogger na si Mimiyuuuh dahil sa pagbabago ng kanyang buhay bilang isang kahanga-hangang vlogger. Nakakatuwa naman talaga ang mga vlog ni Mimiyuuuh dahil sa kanyang pagiging masayahin. Hindi nga nakapagtataka na dumami ang kanyang subscribers sa kanyang YouTube channel ng mahigit 3 milyon.




At dahil nga sa pagiging vlogger ni Mimiyuuuh, ay nakapagpundar na rin siya ng isang bahay para sa kanyang pamilya. Kung saan ay talagang nagbigay kasiyahan sa kanyang mga magulang dahil may sarili na silang tirahan matapos ang maraming taong pangungupahan.

Ngunit, hindi pa rito natatapos ang pagbibigay ng saya ni Mimiyuuuh sa kanyang mga magulang. Kamakailan lamang sa latest vlog ni Mimiyuuuh, ay ibinahagi niya ang surpresang bagong sasakyan para sa kanyang mga magulang.

Ayon nga kay Mimiyuuh, bagama’t kumikita na siya bilang vlogger ay hindi muna agad siya bumili ng sasakyan dahil inuna niya ang bahay. At ngayon nga na may bahay na sila, ay tamang panahon na para bumili siya ng sasakyan para sa kanyang pamilya. Pagbabahagi ni Mimiyuuuh, ay hindi pa sila nagkaroon ng sasakyan sa buong buhay nila, dahil nag-aarkila o kaya naman ay nagga-Grab lamang sila kung may pupuntahan.

Ang nais nga ni Mimiyuuuh ay mabigyan ng maayos at komportableng buhay ang kanyang mga magulang bilang ganti sa kasipagan at sakripisyo ng mga ito sa pag-aalaga sa kanilang magkakapatid.

Sa vlog na ibinahagi ni Mimiyuhh sa kanyang Youtube channel noong ika-30 ng Enero, ay ipinakita niya ang naging reaksyon ng kanyang mga magulang matapos makita ang bagong sasakyan.

Mapapanood sa video na bago niya isagawa ang surpresa sa kanyang mga magulang, ay nagtungo muna siya sa Toyota branch sa Bicutan, Parañaque City. Doon ay pinili ni Mimiyuuuh ang sasakyan na angkop para sa kanilang buong pamilya. Ito nga ay isang 10-seater Super Grandia Elite, na ayon sa Toyota website ay nagkakahalaga ng mahigit 3 milyon.




Samantala, bago naman surpresahin ni Mimiyuuuh ang kanyang mga magulang, ay nauna na itong nalaman ng kanyang Tatay Amadz. Kaya naman, ang kanyang ina na si Nanay Bheng na lamang ang kanilang sinurpresa sa tulong ng kanyang kapatid na sina Justine at Jazreen.

Pagdating nga ng kanyang ina sa garahe, ay ganun na lamang nga ang saya nito matapos makita ang nakaparadang sasakyan habang hawak ni Mimiyuuuh ang isang malaking susi. Samantalang ang Tatay Amadz niya, bagama’t alam na ang surpresang sasakyan, ay hindi pa rin nito napigilan ang pagtulo ng mga luha sa labis na kaligayahan.

Sama-sama naman ang kanilang pamilyang sumakay sa bagong van, upang subukan ito. Makikita na masayang-masaya ang pamilya ni Mimiyuuuh sa bagong biyayang ipinagkaloob sa kanila.

Samantala, nagbigay naman si Mimiyuuuh ng nakakainspire na mensahe sa mga viewers. Ayon nga rito, ay huwag tumigil sa pag-abot ng mga pangarap dahil darating ang tamang panahon para matupad ito.

Talaga nga namang mahal na mahal ni Mimiyuuuh ang kanyang mga magulang at ang kaya niyang ibigay sa mga ito, ay kanyang paghihirapan mapasaya lamang ang mga ito.




Muli na naman ngang nagbigay inspirasyon si Mimiyuuuh sa kanyang mga viewers at hinangaan ang kanyang pagiging isang mabuting anak.

error: Content is protected !!