Connect with us

Entertainment

Vlogger at Dating Modelo na si China Roces, Proud na Ipinakilala sa Publiko ang Kanyang Napakagandang Panganay na Anak Matapos ang 14 Taon na Pagtago dito

Walang pag-aalinlangan na ipinakilala sa publiko ng sikat na vlogger at dating calendar model na si China Roces, ang kanyang panganay na anak na ngayon ay dalaga na, matapos itago sa loob ng 14 na taon.




Sa latest vlog ni China noong Pebrero 7, ay kasama niya ang isang napakagandang dalaga, na malaki ang pagkakahawig sa kanya. Ito nga ang kanyang panganay na anak na si Lymhie Dine na proud niyang ipinakilala sa publiko sa unang pagkakataon.

Photo credits: China Roces | IG

“This is the time na ipapakilala ko na sa inyo ‘yung anak ko at sana huwag n’yo akong i-judge kasi mahal na mahal ko yung pamilya ko, mahal na mahal ko ‘yung mga anak ko,”saad ni China.

Ipinakilala ni China ang kanyang napakagandang anak na ngayon nga ay dalaga na.

Aniya “Ito na si Lymhie Dine, malaki na siya, dalaga na siya.”

Ngayon nga, ay 14 taong gulang na si Lymhie Dine, at sa kasalukuyan ay 31 taong gulang naman si China. Nangangahulugan lamang nito na 17 taong gulang si China ng kanyang isilang ang kanyang panganay na anak.

Photo credits: China Roces | Youtube

Nilinaw naman ni China sa vlog, ang dahilan kung bakit niya nagawang itago ang kanyang anak sa publiko. Ayon nga sa dating calendar model, ay hindi niya intensyon na itago ang kanyang anak at pagbubuntis, ngunit kailangan niyang gawin dahil sa uri ng kanyang trabaho. Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na bilang isang modelo, ay kinakailangang walang anak, upang maging maganda ang imahe sa publiko. At ito nga ang naging dahilan ni China bilang isang modelo.

Pagbabahagi nga ni China, ay takot siyang makatanggap ng diskriminasyon sa pagkakaroon niya ng anak bilang modelo. At naisip rin niya na kung malaman na may anak na siya ay baka hindi na siya tanggapin sa trabaho.

“Ang masasabi ko lang dati kasi ay nagtatrabaho ako ‘di ba dini-discriminate ng mga tao kapag ka may anak na daw. Sa mga nakakakilala sa akin, nag-FHM model ako, nag-calendar girl ako kung saan-saan na mga brand.”

Patuloy niya, “Siyempre, kung sinabi ko siguro sa kanila dati na may anak na ako baka hindi na nila ako tanggapin. At saka that time hindi naman halata…isipin n’yo may anak na ako nu’n pero napaka-s3xy ko pa rin nu’n.”




Hindi naman maikakaila na kahit may anak na siya noon, ay napakaseksi at ganda pa rin niya. Kaya naman, ipinagpatuloy ni China ang kanyang trabaho bilang isang modelo.

Photo credits: China Roces | Youtube

Ipinakita rin sa vlog ang ilang kuha ng larawan kung saan makikita na magkamukhang-makamukha nga sila. Patunay lamang nga nito, na sila’y mag-ina.

Samantala, nagpasalamat naman si Lymhie sa mga taong sumuporta at tumanggap sa kanya bilang ina ni China.

Photo credits: China Roces | Youtube

“Ang masasabi ko po is thank you po sa lahat ng suporta and pagtanggap n’yo po sa akin bilang anak nga po ni China Roces.”

Inanunsiyo naman ni China, ang pagbubukas ng YouTube Channel ng kanyang anak na dapat abangan ng kanilang mga tagahanga.

Sa huli, ay hinikayat naman ni China ang publiko na mas “pagtibayin at pag-igtingin” ang relasyon ng bawat isa, lalo na sa relasyon ng mga magulang sa kanilang anak. Kung saan ay mas lalong iparamdam ang pagmamahal sa isa’t isa.

error: Content is protected !!