Connect with us

Funny

Vlog ni Long Mejia na Pinamagatan niyang “Bigyan ng Ayuda si Senador Manny Pacquiao”, Kinagiliwan ng mga Netizens

Ang Pambansang Kamao at Senador na si Manny Pacquiao ay isa sa pinakamayamang personalidad sa bansa na talaga namang hindi maikakaila sa dami ng kanyang ari-arian at marangyang pamumuhay ng kanyang pamilya.

Ngunit, sa kabila ng taglay na kayamanan ni Sen. Manny ay nananatili parin ang kanyang pagiging mapagkumbaba at matulungin sa mga nangangailangan. Kaya naman, marami ang humahanga sa kanyang pagkatao, lalo na sa kanyang kabutihang loob. Isa na nga rito ang komedyanteng si Long Mejia, na talaga namang malaki ang respeto at paghanga kay Sen. Manny.




Kilala si Long Mejia bilang isang mahusay na komedyante sa showbiz na kung saan ay huling-huling ang kiliti ng kanyang mga tagahanga sa pagpapatawa. At tulad ng ilang celebrities sa showbiz, ay pinasok na rin niya ang mundo ng vlogging upang maghatid ng saya sa mga manonood. Sa kanyang Youtube Channel nga na Master Long Mejia na may mahigit 500,000 subscribers ay masaya niyang ibinabahagi ang kanyang mga nakakaaliw na videos.

Minsan na ngang naitampok sa kanyang Youtube Channel ang vlog patungkol sa ‘pagbibigay ng ayuda kay Sen. Manny Pacquiao’ na talaga namang kinagiliwan ng mga netizens. Marami ang napatawa at napahalakhak sa mga netizens sa istilo ng komedyante pagdating sa pagpapatawa. Ayon nga sa caption ng vlog ni Master Long, ang taong madalas magbigay ng tulong sa mga nangangailangan ay siya naman niya ngayong bibigyan ng ayuda.

Sa video nga na inupload ni Master Long sa kanyang Youtube Channel, mapapanood ang nakakaaliw na video nila ni Sen. Manny. Ito nga pagdalaw ni Master Long sa bahay ni Sen. Manny upang bigyan ito ng ayuda. Bago magtungo sa mansiyon ng mga Pacquiao ay bumili muna ang komedyante ng pasalubong para sa Senator na binili niya sa Adeling’s Native Delicasies sa Malolos, Bulacan.

Habang nasa biyehe naman ay masayang ikwinento ni Master Long kung saan siya patungo at kung sino ang taong kanyang bibisitahin. Pagsapit naman sa napakaganda at napakalaking bahay ng mga Pacquiao, ay naroon rin ang mga anak ni Sen. Manny na bumati pa sa mga manonood.

Samantala, ang ‘bigyan ng ayuda si Manny Pacquiao’ ay ginawa na nga ni Master Long nang magkasama na sila ni Sen. Manny. Makikita nga sa video na nag-abot ng makapal na pera si Master Long kay Sen. Manny na agad naman nitong tinanggap, at nagkunwari pang inilagay sa bulsa at pabirong sinabi na wala nang bawian pa. Hindi naman nagpaawat sa pagbibiro si Master Long at sinabi na ito’y biro lamang, na baka umano totohanin ni Sen. Manny ang pagtanggap sa pera.




Napuno nga ng tawanan at halakhak ang tahanan ng mga Pacquiao sa ginawang ito ni Master Long na talaga namang nakaka-good vibes.

Samantala, matapos naman ang eksena ng ‘bigyan ng ayuda si Manny Pacquiao’, makikita sa huling bahagi ng video na nagkaroon sila ng bonding moments at masayang salo-salo.

 

error: Content is protected !!