Connect with us

Entertainment

Vin Abrenica at Sophie Albert, Ibinahagi ang Hindi Magandang Karanasan sa Ipinapagawa nilang Bahay na Nagdulot sa Kanila ng Stress

Para sa pagsisimula ng pamilya ng celebrity couple at first time parents na sina Vin Abrenica at Sophie Albert, ay ang pagtira nila ng magkakasama bilang isang masayang pamilya sa kanilang sariling tahanan.

Excited na nga ang celebrity couple na magsimula ng kanilang new journey bilang isang pamilya kapiling ang kanilang new born baby na si Baby Aviana. Kasalukuyang naninirahan ngayon ang pamilya nina Vin at Sophie sa bahay ng kanilang ina. At hanggang ngayon nga ay hindi pa sila nakakalipat sa ipinapagawang bahay dahil sa nangyaring aberya sa construction.

Sa latest vlog ng celebrity couple na sina Vin at Sophie, ay kanilang ibinahagi ang hindi magandang karanasan sa construction ng ipinapagawa nilang bahay na nagdulot sa kanila ng stress, lalo na kay Sophie na noon ay buntis sa tuwing bumibisita sa site.

Ayon pa nga kay Sophie, dapat raw ay January pa sila nakalipat sa kanilang bagong bahay dahil ito ang kanilang kasunduan ng developer. Ngunit, hindi ito nangyari at inabot pa ng ilang buwan ng pagka-delay. Dahil nga sa ipinapagawang bahay, ay talagang nastress siya noong buntis siya sa panganay na anak nila ni Vin.

“That was our agreement with our developer, kasi we were able to acquire the house in October and it was pretty much done. So, my whole pregnancy was stressful because of the house.”

“We’re still not in our own house. We’re still staying at my mom’s house it’s super duper disappointing kasi dapat January pa kami nakalipat.”

Samantala, sa vlog naman Vin, ay kanya namang ibinahagi ang pagkadismaya sa tagal ng inabot ng construction ng kanilang bahay.

“Nag-January, February, March. Nagpunta kami sa bahay, nagpunta kami sa site na walang natatapos. Can you believe na sa construction kami nagpupunta, buntis si Sophie.”

Sa kabila ng pagkadismaya ni Vin, ay labis naman ang pasasalamat ng aktor sa ina ni Sophie dahil sa pagtulong nilang maiayos ang lahat, at tuluyan na ngang matapos ang kanilang ipinapagawang bahay.

“Buti na lang si mom may experience siya dahil ang dami na niyang pinagawang places.”

Humingi naman ng pasensya si Vin sa kanyang mga viewers dahil sa biglaan niyang pag-rant. Hindi lang umano niya maitago kung gaano siya nalungkot sa nangyari. Na sana raw ay kasama niya si Sophie na talagang excited sa pagsasaayos ng kanilang new home, at sa pinakaespesyal na nursery room ng kanilang anak.

“Sorry kung nagra-rant ako. I just feel so sad. Dapat kasama si Sophie sa journey na to kasi sobrang nag-e-enjoy siya. Alam ko sobrang fun nito para sa kanya.”

“Pati pag-aayos ng nursery ni Avianna. Siyempre, gusto niya siya ‘yung nag-aayos. Pihikan ‘yun sa mga gamit sa bahay kung saan nakalagay ‘yung mga gamit gamit.”

“So ako, tagabuhat sana, tagalagay lang kung saan niya gusto ilagay ‘yung mga gamit.”

Makikita rin sa nasabing vlog ni Vin ang paghahakot niya ng mga kagamitan mula sa kanyang lumang bahay, patungo sa bagong bahay na kanilang ipinagawa. Makikita naman na maganda at maayos na ang bahay na magiging tahanan ng kanilang pamilya. Hindi na nga tumulong pa si Vin sa pagbubuhat ng mga gamit, bilang pag-iingat at pagsunod sa safety protocols dahil may uuwian siyang baby.

“Safety muna ng baby ko and my family comes first. Papanoorin ko lang sila we’re talking through the phone ng mga kailangan gawin. Pinapanood ko lang sila.”

error: Content is protected !!