Connect with us

Entertainment

Video Ni Daniel Padilla, Nagviral Matapos Niyang Ipakita Kung Gaano Niya Iniingatan At Prinoprotektahan Ang Kanyang Kapatid

Isa sa mga nakakatuwang ugali na mayroon tayong mga Pilipino pagdating sa ating pamilya ay ang pagkakaroon ng ng labis na pagmamahal at pag-iingat sa kanila.

Photo Credit: Karla Estrada Instagram




Kaya naman labis natin silang prinoprotektahan sa mga bagay na makakasama o makakasakit sa kanila. Ngunit, kung kapatid naman ang pag-uusapan lalo na kung pagdating sa kapatid na babae, ay iba ang pag-iingat na inilalaan natin sa kanila. Na talagang ipinapakita natin kung gaano natin sila kamahal, na kung maaari ay mailayo natin sila sa mga bagay na magdadala sa kanila sa kapahamakan.

Photo Credit: Karla Estrada Instagram

Ito ang nakakatuwang ugali na mayroon ang aktor na si Daniel Padilla na kung saan ay nakuhaan ng video sa naganap na debut party ng kanyang kapatid na si Magui Ford Planas. Si Magui ay masayang nagdiwang ng kanyang 18th Birthday party na kung saan ay dinaluhan ng kanyang mga malalapit na kaibigan. Ngunit, mas lalo pa itong naging makulay at masaya nang haranahin siya sa gitna ng stage ng kanyang espesyal na bisita na si Justin Vasquez. Hindi maikakaila ang labis na kasiyahang nadarama ni Magui habang hinaharana siya ni Justin na tila kinikilig pa sa napakagandang boses ng binata.

Photo Credit: Karla Estrada Instagram




At nang matapos na nga ang performance ng binata para sa may kaarawan, lumapit ito kay Magui at nakipagkwentuhan nang may kasama pang yakap sa dalaga. Ngunit, ang kanyang Kuya Daniel ay ipinakita ang pagiging isang mapagmahal na kuya sa kapatid, na kung saan ay tila naging isang bodyguard na todo bantay kay Magui na talagang makikita kung gaano niyang prinoprotektahan at iniingatan ang kapatid.

Photo Credit: Nice Print Photo Instagram

Ang nakakatuwang eksena na ito sa birthday party ay nakuhaan ng video, at pinost sa social media na agad namang nagviral. Ang nag-upload ng video na admin ng fanpage ng KathNiel ay nilakipan ang post ng nakakatuwang caption na:

“Yung sinorpresa ka ni crush ta’s nalaman ng kuya mo”

Dahil nga talagang nakakatuwa ang eksenang ito, at marami talaga ang nakarelate na mga netizens na may kapatid kagaya ni Daniel, agad itong naging viral sa social media. Marami amg humanga sa ipinakitang ugali ni Daniel pagdating sa kanyang kapatid na talagang mababakas kung gaano niya ito kamahal at iniingatan. Ang ilang netizens na nakarelate ay sinabi na kung sa kanila rin nangyari ang naturang sitwasyon ay ganoon rin siguro ang gagawin sa kanilang kapatid kung sakaling makita itong nakikipag-usap at nakikipagyakapan pa sa lalaki na ngayon lamang nakita at nakilala. Ngunit ang ilan naman ay naintindihan ang naging reaksyon ni Magui at sinabi na labis lamang na na-excite ang dalaga nang makita ang kanyang hinahangaang Youtuber.

Photo Credit: Nice Print Photo Instagram




Narito ang mga nakakaaliw at nakakatuwang mga reaksyon at komento ng mga netizens.

“Huy! Grabe yung titig ng Kuya Daniel. Kalma, Daniel. Fave youtuber lang yan ni Magui,”

“Oh so cute protective kuya..action speaks louder than words… lucky Magui,”

“Ung mga tingin ni Kuya ha khit ako din nman s mga kpatid Kung babae hahahaha sv nga Nila Mas nanay pa dw ako s subrang higpit natural lng nman un s mga panganay…”

Photo Credit: Nice Print Photo Instagram

Ngunit, hindi lahat ay natuwa sa ipinakitang pagprotekta ni Daniel sa kanyang kapatid at sinabi pa na hindi ito kaaya-ayang tingnan.

“Lol. I’m protective of my sisters but not that protective. That’s just rude and not very intimidating. That’s funny [though] I only look at the suitors once, then they run away. I wasn’t even mad. I even smile at them but I don’t know why they get scared lol”

Photo Credit: Nice Print Photo Instagram




Kaya naman matapos ang masayang kaarawan ni Magui at nang magviral ang video ay humingi ng paumanhin si Justin sa nangyari na kanyang ipinarating sa Twitter, at kanya ring ibinahagi ang video.

“It wasn’t my intentions to offend anybody. Sorry if that’s what came across. I’m just a simple singer/YouTuber trying to make people happy. ??❤”

At agad naman itong tinanggap ni Magui at masayang tinugunan ang concern ni Justin.

“Nooo biro lang yan! HAHA ? it was fun, thank u again Justin! ☺️”

Yung sinurprisa ka ni crush tas nalaman ng kuya mo ?

Yung sinurprisa ka ni crush tas nalaman ng kuya mo ? #Magui18th

Posted by KathNiel Videos on Saturday, 29 February 2020

error: Content is protected !!