Connect with us

Entertainment

Vicki Belo at Hayden Kho Kasama ang Anak na si Scarlet, Nagbakasyon sa Kenya Upang Doon Salubungin ang Bagong Taon

Bago matapos ang taong 2020 ay lumipad patungong Kenya sa Eastern Africa ang mag-asawang Vicki Belo at Hayden Kho kasama ang kanilang anak na si Scarlet Snow Belo upang doon salubungin ang taong 2021.




Sa loob ng halos 9 na buwan ay nanatili ang pamiyla ni Dra. Vicki sa loob ng tahanan ngayong 2020, para sa kanilang kaligtasan upang maiwasan ang nakakahawang sakit na COVID-19. Dahil dito, ay hindi nakapag-travel abroad ang kanilang pamilya, na kanilang ginagawa taon-taon. Kaya naman, matapos ipagdiwang ang pasko ay agad nagtungo ang pamilya kasama ang kanilang mga kaibigan sa Kenya, upang doon salubungin ang bagong taon.

Photo credits: Vicki Belo | Instagram

Dahil nga, taon-taon silang lumalabas ng bansa upang magbakasyon sa ibang bansa, ay naging isang jetsetter na si Scarlet sa murang edad kung saan ay narating na ang mga naggagandahang bansa ng Italy, Spain, Switzerland, New Zealand, at Japan. At sa pagkakataong ito, ay bansang Kenya naman ang binisita ng kanyang pamilya.

Photo credits: Vicki Belo | Instagram

Sa Masai Mara, dinala ng kanilang paa ang pamilya na isang napakaganda at kahanga-hangang lugar kung saan masisilayan ang ganda ng wildlife. Matutungayan rin sa malaparaisong lugar ang napakagandang tanawin na kung saan ay tiyak na makakapag-enjoy at makakapag-relax ang kanilang pamilya.

Photo credits: Vicki Belo | Instagram

Hindi naman maikakaila na malaking bagay ang bakasyon na ito para sa pamilya Belo. Bukod nga sa masayang alaala na kanilang mabubuo sa masayang bakasyon, ay espesyal rin ang araw na ito, dahil ipinagdiriwang ng mag-asawang Vicki at Hayden ang kanilang 15 taong masayang pagsasama bilang mag-asawa.

Photo credits: Vicki Belo | Instagram

“After 15 years of being together the fire continues to grow. I love you, @victoria_belo,”caption sa post ni Hayden.




Ipinahayag rin ni Dra. Vicki Belo ang kanyang pagbati sa asawa at sinabi:

“As they say, be with someone who is both home and an adventure all at once. Grateful for you everyday, @dochayden”

Photo credits: Vicki Belo | Instagram

Samantala, hindi naman maitago ni Scarlet ang kanyang pagkasabik sa kanilang bakasyon. Saad niya nito na gumamit ng hashtag #KenyaHandle2021:

“2021 is coming closer and closer [I can already see it through my telescope!] I know its going to be better because people like us will be kinder and more prayerful. Do you agree?”

Photo credits: Vicki Belo | Instagram

Makikita naman sa mga larawang ibinahagi na talagang nag-enjoy ang bawat isa sa kanilang bakasyon. Bawat isa nga ay may kanya-kanyang hawak na camera upang makunan ng larawan ang ganda ng wildlife at tanawin. Si Scarlet naman ay may telescope para kanyang makita ng malapitan ang mga zebra at giraffe. Makikita naman ang mag-asawang Vicki at Hayden na sweet na sweet sa isa’t isa.

Photo credits: Vicki Belo | Instagram

Samantala, si Scarlet naman ay tila hindi pa nakakapag-adjust sa kaibahan ng oras sa bansang kinaroroonan at nakatulog na ito. Mabuti na lamang nga at mapalad silang makatagpo ng isang mabuting guide.

Napakagandang pagmasdan ng kanilang pamilya sa gitna ng kahanga-hangang tanawin.

“Being surrounded with nature and this beautiful scenery truly brings out loving feelings for each other.”

error: Content is protected !!