Connect with us

Entertainment

Vice Ganda, Umabot sa Php300,000 ang Nagastos ng Ipag Shopping nito ang kanyang Inaanak

Si Vice Ganda ay maituturing na isa sa pinakamatagumpay na aktor at komedyante sa mundo ng showbiz. Una siyang sumikat bilang isang host sa noontime show na It’s Showtime. Mula noon, kinagiliwan siya ng mga tao dahil sa kaniyang galing sa pagpapatawa. Bukod sa pagiging isang host, nagsimula na rin siyang bumida sa kaniyang sariling mga pelikula na talaga namang pumatok sa maraming tao.

Nagkaroon din siya ng pagkakataon na magkaroon ng sold-out concerts hindi lamang dito sa bansa kundi sa iba’t ibang panig ng mundo. Ngayon, isa na ring negosyante si Vice Ganda nang buksan niya ang make-up brand na Vice Cosmetics.

Dahil sa tuloy-tuloy na tagumpay ni Vice Ganda gayundin ang sunod-sunod na buhos ng biyaya sa kaniyang buhay, hindi niya nakalimutang ibahagi ang mga biyaya na ito hindi lamang sa kaniyang pamilya kundi pati na rin sa kaniyang malalapit na kaibigan. Nakita na ng kaniyang mga fans ang bahay na inialay niya sa kaniyang pamilya at ang magagarang mga kagamitan na iniregalo niya sa mga ito.

Dagdag pa rito ang mga bakasyon sa loob at labas ng bansa kung saan isinasama niya ang kaniyang mga mahal sa buhay. Ngayon naman, isang malapit na kaibigan ang pinasaya ni Vice Ganda sa pamamagitan ng pagregalo dito ng mga kagamitan.

Kamakailan nga ay naglabas ng vlog ang komedyanteng si Ethel Booba kung saan makikita na ipinag-shopping ni Vice Ganda ang kaniyang inaanak.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Photo credits: Ethel Booba | Youtube

Ito umano ang unang pagkakataon na nakita at nakilala ng aktor ang kaniyang inaanak na si Michaela. Dahil dito, talagang hindi napigilan ng komedyante na maging galante sa kaniyang inaanak. Unang ipinasyal ni Vice Ganda si Michaela sa isang toy store.

Kitang-kita ang kasiyahan ng bata nang makita ang mga laruan. Doble naman ang kasiyahan ng inaanak ni Vice Ganda nang mamili ito ng mga laruan na gusto niya. Dahil dito, umabot ng Php124,000 ang perang nagastos ng host para lamang sa mga laruan ni Michaela.

Photo credits: Ethel Booba | Youtube

Sunod namang ipinag-shopping ni Vice Ganda ng mga damit ang kaniyang inaanak.

Dito, siya mismo ang pumili ng mga damit para sa bata kaya naman sa huli, umabot ng Php192,000 ang inilabas niyang pera para dito.

Photo credits: Ethel Booba | Youtube

Photo credits: Ethel Booba | Youtube

Photo credits: Ethel Booba | Youtube

Photo credits: Ethel Booba | Youtube

Kung susumahin, labis pa sa PhP300,000 ang kaniyang nagastos para sa inaanak ngunit dahil likas na kay Vice Ganda ang pagiging mapagbigay, naging masaya rin siya sa nairegalo niya sa kaniyang inaanak.

error: Content is protected !!