Connect with us

Entertainment

Vice Ganda, Masayang Sinurpresa ang Kanyang Ina sa Pagdiriwang nito ng kanyang Ika-75th Birthday

Ang Unkabogable star na si Vice Ganda na kilala rin sa tawag na Meme Vice ay hinahangaan ng publiko dahil sa kanyang husay sa pagpapatawa bilang isang komedyante. Kahanga-hanga rin ang talento ni Meme Vice pagdating sa hosting na kinagigiliwan rin ng lahat.

Ngunit, ang higit na kahanga-hanga kay Meme Vice ay ang labis niyang pagmamahal sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang ina na si Nanay Rosario. Isa ngang mapagmahal na anak si Meme Vice na gagawin ang lahat upang mapaligaya ang kanyang mahal na ina.




Kaya naman, sa pagdiriwang ng 75th birthday ni Nanay Rosario noong October 7, ay talagang naghanda ng surprise birthday ni Meme Vice upang mapasaya ang kanyang ina sa espesyal na araw nito. Ang masayang selebrasyon ng kaarawan ni Nanay Rosario ay ginanap sa Terrace Manila sa Quezon City.

Dahil nga, talagang nasurpresa si Nanay Rosario sa handog na surprise birthday ni Meme Vice, hindi lamang ngiti ang masisilayan sa mukha ni Nanay Rosario, kundi pati narin ang hindi napigilang luha nito sa mga mata dahil sa labis na kaligayahan.

Ang masayang pagdiriwang ng kaarawan ni Nanay Rosario ay dinaluhan ng mga kapatid at pamangkin ni Meme Vice. Hindi rin nawala sa okasyon ang nobyo ni Meme Vice na si Ion Perez, maging ang anak-anakan ni Meme Vice na si Ryan Bang ay naroon rin sa masayang pagdiriwang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Viceral_Perez10.25.2018 (@team_orens_penk_forever) on

Masaya namang ibinahagi ng Unkabogable star sa kanyang Instagram ang mga kaganapan sa birthday celebration ni Nanay Rosario. Sa pagdating ni Nanay Rosario sa venue, ay agad siyang sinalubong ni Ion upang bigyan ng napakalaki at napakagandang bouquet ng bulaklak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Viceral_Perez10.25.2018 (@team_orens_penk_forever) on

Si Ryan Bang naman ay nagbigay ng isang regalo na nakalagay sa malaking kahon at may kalakip naman ng korean label. Ngunit, hindi naman ipinakita ni Ryan ang laman ng naturang kahon.
Nakatanggap rin ng isang halaman si Nanay Rosario mula sa kanyang bisita.

Tila nga isa ring certified plantita si Nanay Rosario dahil masayang-masaya ito matapos matanggap ang regalo.




Hindi naman siyempre nawala ang pagkanta ng happy birthday song at pag-blow sa cake ni Nanay Rosario. Sa ilang video nga, makikita na masayang-masaya si Nanay Rosario habang ang lahat ay umaawit ng happy birthday para sa kanya. Makikita rin na napapasayaw pa si Nanay Rosario habang siya ay kinakantahan ng happy birthday.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Viceral_Perez10.25.2018 (@team_orens_penk_forever) on

Samantala, ang makita namang masaya ang kanyang ina sa espesyal na araw nito, ay ipinasalamat naman ni Meme Vice at siya na rin niyang kaligayahan.

Bumuhos naman ng iba’t ibang klaseng reaksyon at komento mula sa mga netizens ang inihandang birthday surprise ni Meme Vice para sa kanyang mahal na Nanay Rosario.

“Vice is like boy abunda mahal na mahal ang nanay, more years for your mom vice.”

“Meron po kasabihan pag subrang mahal mo daw yong mga magulang mo..at tinutulngan mo sa lahat ..more blessings din na darating sayo….”

error: Content is protected !!