Connect with us

Entertainment

Vice Ganda, Masayang Ipinagdiwang ang Pasko sa Kanyang Bagong Bahay Kasama ang Kanyang Pamilya at mga Kaibigan, Namahagi rin ng Regalo sa mga ito

Bago pa man sumapit ang araw ng pasko, ay natapos na ang pagpapagawa ng bahay ng Unkabogable star na si Vice Ganda. Sa kanyang vlog kamakaikan, ay ipinasilip ni Meme Vice ang ganda ng kanyang napakalawak na bahay. Agad ring lumipat si Meme Vice sa kanyang napakagandang bahay.

Sa bagong bahay na nga ipinagdiwang ni Meme Vice ang pasko kasama ang kanyang mga mahal sa buhay kung saan ay binigyan pa niya ng regalo ang mga ito. Sa latest vlog na ibinahagi ni Meme Vice sa kanyang Youtube channel noong ika-6 ng Enero, ay ipinasilip niya ang naging kaganapan sa masayang pagdiriwang ng pasko.




Talagang merry ang Christmas sa napakalaking tahanan ni Meme Vice, dahil talagang abala ang mala-restaurant sa laki niyang kusina sa paghahanda ng mga masasarap na pagkain para sa kanilang noche buena.

Sa dining room naman ay masayang nagsalo-salo ang pamilya ni Meme Vice, at mga kaibigan, kasama rin syempre ang kanyang boyfriend na si Ion Perez at anak-anakan na si Ryan Bang. Sa mahabang lamesa nga masisilayan ang masasarap na pagkain. May tagapagsilbi at tagahatid rin sa kanila ng mga nais nilang pagkain na animoy mala 5-star hotel ang mga putahe.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Samantala, matapos naman ang masaganang salo-salo, ay namahagi naman ng regalo si Meme Vice. Una nga niyang binigyan ang kanyang babaeng pamangkin. Sa pagbukas nito ng regalo ay bumungad ang soen na panty. Ayon naman rito, ay ayos lamang sa kanya ang makatanggap ng ganung klase ng regalo. Ngunit, nang pabuksan pa ni Meme Vice, ay nasurpresa naman ito sa regalo na nakasilid sa isang maliit na kahon. Ito nga ay naglalaman ng napakagandang hikaw.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Tulad naman ng pamangkin niya, nakatanggap rin ng kaparehong regalo ang ilang babae sa kanyang pamilya tulad ng kanyang kapatid. Ang lalaki namang pamangkin ni Meme Vice ay white gold bracelet ang natanggap na nakasilid pa sa medyas.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Samantala, espesyal naman ang regalo ni Meme Vice sa kanyang ina, ito nga ay isang Rolex na relo. Nakatanggap naman si Meme Vice ng regalo sa kanyang ina at kapatid. Bag naman na pwedeng magamit sa gym ang regalo ni Meme Vice kay Ion, at bag na Gucci ang regalo kay Ryan. Ang ilan naman sa mga kaibigan ni Meme Vice ay nakatanggap ng bag at sapatos.




Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Hindi naman maitago ang saya ng bawat isa, sa kanilang mga natanggap na regalo. Tunay nga, na ang makapagbigay saya sa mahal sa buhay, ay sadyang napakasarap sa pakiramdam. At ang pagmamahalan at pagbibigayan ay talagang damang-dama sa loob ng napakagandang tahanan ni Vice.

error: Content is protected !!