Connect with us

Entertainment

Vice Ganda, Ipinasilip Ang Mga Magagarang Sasakyan Na Pagmamay-ari Ng It’s Showtime Hosts

Ang programang It’s Showtime ng ABS-CBN na napapanood natin sa telebisyon tuwing tanghali ay naghahatid ng saya sa mga manonood. Nakakalibang at nakakaaliw naman talaga itong panoorin lalo na nga’t palaging goodvibes ang hatid ng mga hosts ng programa.

CREDITS: Vice Ganda| IG

At kamakailan lamang nga, ay muli na namang naghatid ng goodvibes sa madlang people ang It’s Showtime family sa vlog na hatid ng Unkabogable star na si Vice Ganda matapos ipasilip ang mga magagarang sasakyan ng mga hosts.

Mapapanood sa video ni Vice na bago simulan ang “Car Reveal”, ay nakikipagkulitan ito sa mga hurado ng Tawag ng Tanghalan na sina Kyla at Erik Santos. At pagkatapos nga nito, ay nagtungo na siya sa kanyang mga co-hosts na naghihintay ng kanilang sundo sa labas ng studio.

CREDITS: Vice Ganda| YT

Inisa-isa nga ni Vice ang pagpapasilip sa mga magagarang sasakyan ng kanyang mga co-hosts. Naunang ipinasilip ni Vice ang sasakyan ni Ogie Alcasid kung saan nga ay sinundo ng driver nitong si Kuya Noel gamit ang Toyota Land Cruiser na ginagamit niya twice a week. Ayon naman kay Ogie, kadalasan ay siya talaga ang nagmamaneho ng kanyang sasakyan ngunit dahil nga swab test day nila ay nagpasya siyang magpasundo muna sa kanyang driver.

CREDITS: Vice Ganda| YT

Sumunod namang ipinasilip ni Vice ang sasakyan ng kanyang anak-anakan na si Ryan Bang. Ipinasilip nga ni Ryan sa madlang people ang kanyang black Hyundai Starex na ginagamit niya sa loob na ng limang taon.

Napahanga naman si Vice sa taglay na kalinisan ng sasakyan ni Ryan ngunit napansin naman na ng komedya ang kakaibang amoy sa loob ng sasakyan nito. At ayon nga kay Ryan ang dahilan nga nito ay ang hindi niya pagligo pagkatapos niyang mag-work out.

CREDITS: Vice Ganda| YT

Umiral naman ang pagiging komedyante ni Vice kung saan nga ay dinala niya ang co-host na si Vhong Navarro sa fire truck ng ABS-CBN ay ipina-demo kung paano itong minamaneho. Ngunit, sa katunayan nga nito ay nagmamay-ari ng isang Toyota Land Cruiser na ginagamit rin niya ng twice a week sa pagpasok sa trabaho.

CREDITS: Vice Ganda| YT

Sumunod namang ipakita ni Vice ang pagmamay-aring white Mitshubishi Montero Sport ni Karylle, na ayon rito ay desisyon ng kanyang asawang si Yael Yuzon ang kulay nito dahil ang kanya talagang nais na kulay para sa kanyang sasakyan ay silver.

CREDITS: Vice Ganda| YT

Ipinakita rin ni Vice ang mga sasakyang pagmamay-ari nina Ate Girl Jackie Gonzaga, Jugs Jugueta, at Amy Perez. Hindi lamang nga isang mahusay na dancer si Ate Girl Jackie, dahil isa rin siyang mahusay na driver ng kanyang Zusuki Jimny.

Masaya namang ipinakita ni Tiyang Amy ang kanyang black-and-white Mini Cooper 5-door hatch na ayon sa kanya ay regalo niya sa kanyang sarili noong November, at pinangalanan itong Dream Girl.

CREDITS: Vice Ganda| YT

Pinahanga naman ni Jugs si Vice dahil sa malinis at organisadong loob ng kanyang sasakyan na Mitsubishi Montero Sport na kulay silver. Si Teddy Corpuz naman ay nagmamay-ari ng isang Ford Raptor.

error: Content is protected !!