Connect with us

Entertainment

Vice Ganda, Ipinasilip Ang Kanyang Bagong Bilhing Mamahaling Sasakyan Na Cadillac Escalade Na P5 Milyon Ang Presyo

Si Vice Ganda o kilala rin sa tawag na Unkabogable star sa industriya ng showbiz, ay kilalang komedyante at TV host. Sa taglay niyang talento sa pag-arte at paghahatid ng saya sa kanyang mga tagahanga, ay hindi na nakapagtataka kung patuloy na umaarangkada ang karera ni Meme Vice.

CREDITS: Vice Ganda| YT

Patuloy nga ang pagbuhos ng mga biyaya sa buhay ni Meme Vice. Magmula nga sa pagkakaroon ng napakagandang bahay, magarang sasakyan, ay mapalad rin si Meme Vice sa pagkakaroon ng mapagmahal na pamilya at boyfriend. Tila nga, walang katapusan ang pagdating ng biyaya sa buhay ni Meme Vice. At kamakailan lamang nga, ay masayang-masaya si Meme Vice, dahil natanggap na niya ang bagong sasakyan na kanyang nabili matapos ang ilang buwan.

CREDITS: Vice Ganda| YT

Sa kanyang vlog nito lamang ika-27 ng Enero ay masayang ibinahagi ni Meme Vice na ang kanyang bagong sasakyan na Cadillac Escalade ay dumating na. Ibinahagi naman ni Meme Vice ang kanyang dahilan kung bakit siya nagpasyang bumili ng bagong sasakyan. Ayon nga kay Meme Vice, ay madalas raw na magkaroon ng deperensya o sira ang kanyang mga sasakyan kung saan nga baka ikapahamak pa niya sa tuwing gagamitin.

CREDITS: Vice Ganda| YT

“Umorder kami ng bagong caru kasi, parang minamalas ako lately sa sasakyan. Nung isang araw nagda-drive ako, nawalan ng brake yung dina-drive kong sasakyan. Sabagay kasi, ilang taon na rin naman iyon. Tapos siguro dahil hindi nagagamit because of the pandemic, nung bigla kong ginamit, nawalan siya ng preno.”

Ang isang sasakyan raw ni Meme Vice, ay sira naman ang aircon kaya naman sa tuwing ginagamit niya ito ay hulas na hulas ang kanyang make up dahil sa init at pawis. Dahil nga, wala na siyang matinong sasakyan na ginagamit ay nagpasya na lamang siyang bumili ng bago.

CREDITS: Vice Ganda| YT

“Sabi ko baka it’s time na bumili na ng bago para madispose yung ibang lumang sasakyan since ngarag naman na siya.”

Makikita naman sa video na isang napakagandang 2021 Cadillac Escalade ang kanyang nabiling sasakyan. Ibinunyag naman ni Meme Vice na noong Agosto 2021 pa sana niya natanggap ang sasakyan ngunit dahil nga puti lamang ang available color nito, ay hinintay na lang niya ang pagdating ng color black version nito.

CREDITS: Vice Ganda| YT

Ayon naman sa website ng nasabing brand ng sasakyan, ang presyo nito ay naglalaro sa USD76,295 hanggang USD103,915 o katumbas ng halagang PHP3,912,789.08 hanggang PHP5,329,280.78.

Inamin naman ni Meme Vice na ang perang kanyang ipinambili ng sasakyan ay katas ng Kapamilya musical game show Everybody, Sing dahilan nga kung bakit niya ito pinangalanang E.S.

“Si E.S., katas ng Everybody Sing!, hahaha! Katas siya ng Everybody Sing! kaya pangalanan natin siyang si E.S.”

error: Content is protected !!