Connect with us

Entertainment

Vice Ganda, Ipinakita sa Kanyang Latest Vlog ang Naging pag-Unbox Niya ng mga Regalong Natanggap Noong Kanyang Kaarawan

Kamakailan lamang ay ipinagdiwang ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang kanyang kaarawan. At bilang isang sikat at popular na personalidad sa showbiz, na tunay din na maraming nagmamahal ay napakarami nga ang agad na nagpaabot ng pagbati para sa kanya at siyempre marami rin ang nagbigay sa kanya ng mga regalo na mula nga sa mga taong malapit sa kanya, tulad ng kanyang mga tagahanga, kaibigan, katrabaho at kapamilya.

Photo credits: Vice Ganda| YT

Sa latest vlog na ibinahagi ni Vice sa kanyang YouTube channel, ay ipinakita nga niya sa mga tagasubaybay niya ang naging masayang pag-unbox niya ng mga regalong natanggap niya noong kanyang kaarawan. Bakas sa hitusra ng It’s Showtime host at tinaguriang Unkabogable star ang labis na kasiyahan sa lahat ng mga natanggap niyang regalo, kung saan karamihan nga sa mga ito ay mga mamahaling bags, sapatos at jackets.

Photo credits: Vice Ganda| YT

Kasama ni Vice sa pagbubukas ng mga regalo niya ang dalawang kaibigan at ang Hashtags member na si Wilbert Rosas.
Samantala, maliban nga sa mga mamahaling bags, sapatos at jackets na natanggap na mga regalo ni Vice, ay mas iknatuwa nga niya ng makita niya ang isang BTS merchs na regalo sa kanya ng kanyang malalapit na kaibigan. Ipinakita rin niya ang regalo sa kanya ng It’s Showtime co-host niyan si Vhong Navarro, at ito nga ay isang speaker.

Photo credits: Vice Ganda| YT

Dahil sa napakaraming mga regalo na kanyang natanggap, idagdag pa na ang gaganda ng mga ito ay hindi nga napigilan ni Vice ang mapatili sa sobrang saya. Ayon pa sa kanya labis niyang na-appreciate ang lahat ng regalo na ibinigay sa kanya, magmula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki.

Photo credits: Vice Ganda| YT

Marami naman sa mga viewers ni Vice ang nagbigay ng komento sa vlog niyang ito, kung saan marami nga sa kanila ang nagsabi na ‘deserve’ ng Unkabogable star ang lahat ng mga biyayang natatanggap nito sa kanyang buhay ito ay dahil nga sa kabutihan niya sa iba at sa ibinibigay niya kasiyahan sa kanyang kapwa.

Photo credits: Vice Ganda| YT

“Keep inspiring and motivating us ,meme vice.. u deserve everything. .stay pretty and fabulous always.. wishing u all the best in life with kuya ion. ❤️ We love you.. from koronadal city south cotabato.. hoping to see you in person meme.”
“Sarap regaluhan ni Vice kung ganyan kasaya yung reaction niya sa bawat regalong natanggap niya. Hahahah Di ka talaga manghihinayang gumastos ng mahal sa kanya kahit na afford naman niya.”
“Deserve na deserve mo yan meme, and tama ka, kung hindi ka naman mabait hindi ka bibigyan nang bonggang gifts, sensya na ah love and support lang ang kaya kong iregalo hehe, ingat ka palagi.”

Kilala ng publiko si Vice Ganda bilang isang mahusay na TV hist, aktor at komedyante na maraming beses na ngang bumida sa mga pelikulang tunay na pumatok sa takilya, kagaya na lamang ng Praybeyt Benjamin, Revenger’s Squad at Sisterakas. Isa rin siya sa mga host ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime.

error: Content is protected !!