Connect with us

Entertainment

Vice Ganda Ibinida ang mga Nag Gagandahang Sasakyan na Ginagamit ng kanyang mga It’s Showtime Co-Hosts

Sa isang vlog ng komedyante at isa sa mga It’s Showtime hosts na si Vice Ganda, ibinahagi niyang marami sa kaniyang mga subscribers ang nais makita ang mga sasakyan ng kanilang iniidolong hosts at komedyante. Dahil dito, ipinasilip nga ni Vice Ganda ang mga sasakyan ng kaniyang mga co-hosts.

Unang ipinakita ni Vice Ganda ang sasakyan ng host at singer na si Ogie Alcasid. Ayon kay Ogie, ginagamit niya ang kaniyang Toyota Land Cruiser dalawang beses sa isang linggo dahil talagang napaka-komportable ng sasakyang ito.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Gaya ni Ogie, isang itim na Toyota Land Cruiser din naman ang ginagamit na sasakyan ni Vhong Navarro sa kaniyang trabaho. Ayon sa host, nagkakahalaga ng Php5 million o higit pa ang ganitong modelo ng sasakyan ngunit para kay Vhong, talagang sulit ang kaniyang pagbili sa sasakyang ito dahil tatlong beses sa isang linggo umano niya itong ginagamit.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Ipinasilip din ni Ryan Bang ang kaniyang Hyundai Starex. Kwento ni Ryan, limang taon na ang lumipas nang maipundar niya ang sasakyang ito. Gaya ng sasakyan ni Ogie at Vhong, malawak at komportable rin ang sasakyan ni Ryan kaya naman nailalagay niya pa rito ang kaniyang golf equipments.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Talaga namang namangha rin si Vice Ganda sa Mini Cooper ni Amy Perez. Kwento niya, Nobyembre noong nakaraang taon nang bilhin niya ang kotseng ito bilang regalo sa kaniyang sarili at ngayon nga ay tinatawag niya ito bilang “Dream Girl”.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Isang Ford Raptor naman ang sinasakyan ng singer at host na si Teddy Corpuz. Nagkakahalaga umano ito ng halos Php2 million ngunit talagang nagagamit niya ito para sa kaniyang camping adventures.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Mitsubishi Lancer naman ang unang naging kotse ni Jugs ngunit isang Mitsubishi Montero Sport na ang kaniyang ginagamit ngayon. Makikita na talagang napaka-organisado ng singer at host sa kaniyang mga kagamitan sa loob ng kotse.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Gaya ni Jugs, isa ring Mitsubishi Montero Sport ang kotse ni Karylle. Kwento niya, mismong ang kaniyang asawa ang pumili ng sasakyang ito.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Isa rin sa mga hinangaan hindi lamang ni Vice Ganda, kundi pati na rin ng netizens ay ang kotse ni Jackie na isang Suzuki Jimny. Matatandaan na nagsimula lamang bilang isang It’s Showtime dancer si Jackie ngunit unti-unti siyang nakilala at naging host ng noontime show kaya naman maraming netizens ang natuwa nang makita nila ang naipundar na sasakyan ng host.

Dagdag pa ni Vice Ganda, talagang bagay na bagay kay Jackie ang kotseng ito na nagkakahalaga ng higit sa Php1 million.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Bukod sa naibahagi ni Vice Ganda ang mga naipundar na sasakyan ng kaniyang mga kasama sa show, nakapagbigay rin siya ng good vibes sa kaniyang mga viewers dahil punong-puno ng tawanan at kulitan ang vlog na ito.

error: Content is protected !!