Connect with us

Entertainment

Vice Ganda Ibinahagi sa Kanyang Vlog ang Nakakaaliw at Nakakatuwang Pagbe-Baby Sitter Niya sa Anak ni Zeinab Harake na Si Bia

Isang panibagong vlog na naman ang inilabas ng tinaguriang Unkabogable Star na si Vice Ganda. Isang vlog hindi lamang puno ng katatawanan, kundi puno rin ito ng kakulitan at kakyutan, dahil sa kasama niya sa vlog na ito ang sikat na vlogger na si Zeinab Harake at ang napaka-cute nitong anak na si Bia.

Sa inilabas na vlog ni Vice ay makikita ang naging pag-a-apply niya kay Zeinab na maging ‘babysitter’ ng anak nitong si Bia.

Pabirong saad ni Vice, naghahanap siya ng bagong pagkakakitaan dahil na din sa matumal ang negosyo ngayon sa showbiz, at halos wala umano masyadong ganap kaya wala din siyang masyadong kinikita.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

‘Dahil matumal po ang negosyo ngayon sa showbiz, dahil wala pong masyadong ganap dahil pack up ang pelikula ko, so wala din masyadong kita’, ang saad ni Vice.

Dagdag pa ng mahusay na komedyanteng host, dahil sa lumalaki na ang pamilya niya ay kinakailangan niya umano na maghanap ng extrang mapagkakakitaan. Ipinakita rin ng Unkabogable star ang outfit niya ng araw na ‘yon, kaya naman masasabi na ang pagiging isang ‘babysitter’ ang a-applyan nitong trabaho ng araw na ‘yon.

‘So, kinakailangan ko pong maghanap ng ibang paraan para may extra income tayo dahil lumalaki na po ang pamilya natin. Sa araw na ito, mag-aapply tayo ng trabaho. Sa outfit ko, kita naman kung ano ang a-applyan kong trabaho’, ang naging pahayag pa ng Unkabogable star.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Makikita naman na sa sikat at hinahangaang vlogger na si Zeinab Harake nag-apply bilang baby sitter si Vice. Batid naman ng marami na si Zeinab ay mayroong napaka-cute at bibong baby girl at ito ay si Bia. Kaagad namang ikinatuwa ni Zeinab nang malaman niya na si Meme Vice ang nag-aapply na babysitter para sa anak niyang si Bia.

‘Sakto kailangang-kailangan ko talaga ng magbi-babysit sa anak ko eh’, ang naging saad naman ni Zeinab nang mag-apply bilang babysitter si Meme Vice.

Agad ngang tinanggap ni Zeinab bilang babysitter si Meme Vice basta’t kakayanin umano nitong maalagaan si Bia. Buong pagmamalaki naman na sinagot ni Meme Vice na kayang-kaya niyang gampanan ang pagiging babysitter ni Bia lalo pa’t siya ay lumaki sa hirap kaya naman trained na trained siya sa mga ganitong klaseng trabaho.

“Kaya ko naman ho. Laki naman ho ako sa hirap at tsaka napakarami ko na ho talagang pinagdaanan sa buhay. So trained na trained na ho ako sa lahat ng mga pagsubok sa buhay,” ani Vice.

Samantala, sa pagsisimula ni Meme Vice sa kanyang pagiging isang babysitter ni Bia, ay ang una niyang ginawa ay ang pagpapalit ng mga plastic sa mga babasagin na bagay sa bahay nina Zeinab. Ayon sa kanya, mainam itong gawin para hindi umano masaktan ang kanyang alagang bata.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Nakakatuwa naman na bilang isang babysitter ay tila may sariling kundisyon si Meme Vice sa kanyang amo na si Zeinab, kagaya na lamang nga na siya umano ay sasabay na kumain kana Zeinab dahil sa hindi umano siya kumakain sa kusina. Dagdag pa ni Meme Vice, isa pa sa mga requirements niya bilang babysitter ni Bia ay 30-minutes lamang umano siya magdu-duty bawat araw at dadating lamang siya kapag tulog na umano ang kanyang alaga.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Hindi naman mapigilan ni Zeinab ang matuwa sa mga kalokohan at sinasabi ni Meme Vice. Habang abala din sila sa pag-uusap, ay sinama rin ni Zeinab si Meme Vice sa playroom ng kanyang mga anak, at ng makita nila ang laruang kabayo ni Bia ay may naging nakakatawa ngang hirit si Zeinab kay Meme Vice kung saan ay sinabi niya na ang anak niyang si Bia ay mahilig sa kabayo, kaya naman paniguradong matutuwa ito kay Meme Vice.

“Mahilig sa kabayo ang anak ko. Matutuwa sa’yo ‘yun,” ani Zeinab.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Talaga namang puno ng aliw ang vlog na ito ni Meme Vice kasama si Zeinab at si baby Bia, lalo na ng makuha na niya ang loob ni Bia at magsimula na silang maglaro at magkulitang dalawa.

error: Content is protected !!