Vice Ganda Ibihinahagi sa It’s Showtime na parehong Nanligaw at Na- basted ni Juday sila Jhong at Vhong Navarro

Maraming viewers ang talaga namang hindi mapigilang matawa sa tuwing nag-aasaran ang mga host ng sikat na programang “It’s Showtime,” lalo na sa mga banat ng Unkabogable host na si Vice Ganda.



Kung madalas ay nagiging topic ang lovelife ni Vice sa kanilang mga biruan, ibang saya naman ang bumungad nito lamang Lunes, October 7, ng biglang naging topic ng usapan ang Teleserye queen na si Judy Ann Santos.

Sa nasabing episode ay ibinahagi ng celebrity contestant si Lance Raymundo sa para sa espesyal na edisyon ng Tawag ng Tanghalan na dati siyang napabilang sa Teleseryeng Pieta kasama si Vice Ganda. Dito ay kasama nila ang bida ng programa na si Ryan Agoncillo, na ngayon ay asawa ni Juday.

Pagkatapos marinig ni Vice ang pahayag ng celebrity contestant, agad siyang bumanat ng, “Si Ryan Agoncillo ang bida doon, diba? Yung asawa ni Judy Ann. Niligawan dati ni Vhong at ni Jhong tapos nag-away sila. Pero pareho lang naman kayong na-basted, ‘di ba?.”

Pabiro namang sumagot si Jhong at Vhong ng “Past is past, pare!”Tuwang-tuwa naman ang madlang pipol habang sinusubukan ni Jhong na ibahin ang usapan, subalit patuloy pa din ang Unkabogable host sa paglalahad ng naging kaganapan noon…

 

Matapos noon ay napag-usapan din nila ang ginanapang karakter ni Vice sa nasabing teleserye, na halos di na rin niya maalala. Pero sabi ni Lance ay isa siya sa mga kabarkada o karakter noon sa isang palengke.



Samantala, nagbabalik Primetime namang muli si Judy Ann Santos sa bagong serye sa ABS-CBN na “Starla” kung saan gaganap siya bilang bida-kontrabida na si Teresa, na anak naman ni Joel Torre. Makakasama niya ang childstar na si Enzo Pelojero bilang Buboy at si Jana Agoncilo na gaganap na bilang Starla, mga beteranong aktor na sila Raymart Santiago, Joem Bascon, gayundin ang premyadong aktres at CEO ng ABS-CBN na si Ms.Charo Santos bilang Lola Tala.