Connect with us

Entertainment

Vice Ganda, Ginulat si Karla Estrada ng Bigla itong Pumunta sakanyang Bahay Upang Mag House Raid

Ang pagkakaibigan ay hindi nasusukat sa tagal ng panahon, kundi sa kung kagaano kakilala ng magkaibigan ang isa’t isa. Isa sa mga pinakamasayang alaala ang pagkakaroon ng kaibigan na kasalo mo sa bawat tawanan at iyakan.

Ganyan na lamang ang pagkakaibigan nila Vice Ganda at Karla Estrada. Sa bagong vlog ni Vice siya ay nagsagawa ng house raid sa bahay ni Karla. Ito ay hindi inaasahan ni Karla kaya tawang tawa si Vice nang sinumulan na niyang i-raid ang bahay ni Karla.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube




Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Ang bawat sulok ng bahay ay nilibot ng dalawa. Sinimulan ito ni Vice sa hapag kainan na kung saan nadatnan niyang kumakain sila Karla. Naupo si Vice sa sofa nila Karla habang kumakain siya ng barbeque at nagtatawanan sila habang nagkukwentuhan. Naaliw si Vice sa Christmas tree at nakita niya ang mga napakaraming mga plaque ni Daniel Padilla.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Hindi kalaunan sinaluhan na lang ni Vice si Karla sa kanilang hapunan. Sunod nilang pinuntahan ang mismong kusina, at namangha si Vice dahil napakalinis nito. Huling pinuntahan nila ang kwarto, napansin ni Vice ang mga pagkain sa bawat mesa sa loob ng kwarto, ang lalong nagpagulat at kinatuwaan ni Vice ay ang mga pagkain na nakalagay sa isang tupperware sa ilalim ng higaan.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Talagang pinagtawanan ni Vice si Karla dahil kahit saang sulok ng kanyang kwarto ay may nakaimbak na pagkain.

Ayon kay Karla, ang kanyang kwarto ang parte ng kanilang bahay kung saan madalas niyang ginugugol ang oras niya kasama ang kanyang mga anak kapag nasa bahay lang sila. Kadalasan ay magkakasama silang nanonood ng mga movies habang kumakain kung kaya’t may mga pagkain sa kanyang kwarto.




Ibinahagi ni Vice sa kanyang Instagram post, ang litrato nila ni Karla noong 2017 hanggang ngayon upang ipakita ang matagal na nilang pagkakaibigan. Ika nga ni Karla sa kanyang post, na kahit anong mangyari, lumipas man ang panahon, buo pa rin ang pagkakaibigan at samahan nila ni Vice. Siya ay lubos na natutuwa at masaya sa biglaang house raid sa kanya ni Vice.

error: Content is protected !!