Connect with us

Entertainment

Vice Ganda, Binulaga ang Kanyang mga It’s Showtime Co-host sa Kanyang Nakakaaliw na Wallet Raid Vlog

Sa pagsapit ng tanghalian ay nakaabang na nga ang bawat pamilya sa kani-kanilang telebisyon upang mapanood ang programang nagbibigay saya at aliw na It’s Showtime.

Ang programang It’s Showtime, ay binibigyang kulay ng mga mahuhusay na host na kinabibilangan ng Unkabogable star na si Vice Ganda. At upang magbigay saya sa kanyang mga tagahanga, ay tampok sa vlog ni Vice ang wallet raid sa kanyang mga co-hosts.




Marahil marami rin ang interesadong malaman kung magkano nga ba ang laman ng wallet ng mga host ng It’s Showtime. Kaya naman, naisip ni Vice na bulagin ang mga ito sa kanyang walet raid vlog kamakailan.

Unang ni-raid ni Vice ang wallet ni Teddy Corpuz na nagulat sa biglaang ginawa ng komedyante. At nang bilangin nga ang perang nasa loob ng wallet ni Teddy, ay may kabuuang halaga itong P1,172.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Sumunod naman si Jugs Jugueta na may laman ang wallet na nagkakahalaga ng P18,230. Ipinaliwanag naman ni Jugs, kung bakit ganun kalaki ang dala-dala niyang pera. Ayon nga sa bokalista, ay hindi umano siya gumagamit ng credit card, at tanging cash lamang ang ginagamit niya sa bawat transaction. Nabunyag naman na may utang si Jugs kay Teddy at nang sandali ding iyon ay binayaran niya ang nasabing utang.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Matapos nito ay nagtungo naman si Vice sa studio, at doon nga ay si Kim Chiu naman ang niraid niya. Sa pink Channel wallet ni Kim, ay inilabas ng aktres ang 2 credit card, 1 ATM card at perang nagkakahalaga ng P10,920. Sumunod naman ay si Karylle, na isang white vanity bag naman ang bitbit kung saan ay naglalaman ng 2 cellphone, at 2 ballpen. Ang wallet ni Karylle, ay wala sa dala-dalang bag dahil iniwan niya ito sa dressing room.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Nang lapitan ni Vice si Ion Perez, ay wala itong dalang wallet. Katulad rin ng guest na si Joross Gamboa, kaya naman, nagtungo na lamang si Vice sa dressing room nina Jhong Hilario, Vhong Navarro at Ryan Bang

Photo credits: Vice Ganda | Youtube




Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Nang silipin ang wallet ni Vhong, ay napag-alaman na araw-araw pala ay palaging P10,000 ang laman ng wallet niya para magamit kung may emergency. Ang laman naman ng wallet ni Jhong, ay bank cards, ABS-CBN ID at pera na nagkakahalaga ng P4,400. Samantalang ang wallet ni Ryan ay naglalaman naman ng P14, 180.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Sa kabuuan, ang may pinakamalaking pera sa wallet nila ng mga oras na iyon ay si Jugs. Ang ilan sa kanila ay hindi nagdadala ng cash, na tulad ni Vice na madalas gumamit ng card sa mga transactions.

 

error: Content is protected !!