Connect with us

Entertainment

Vice Ganda at Ion Perez, Sweet Na Sweet Sa Isa’t-isa Sa Kanilang Bakasyon Sa Amanpulo

Ang pag-ibig nga talaga ay sadyang makapangyarihan dahil handa mong gawin ang kahit na ano para sa iyong sinisinta.

Photo Credit: Vice Ganda Instagram




Ang pag-ibig rin ay walang pinipiling kasarian dahil kapag tumibok na ang iyong puso paano mo pa ito mapipigilan, kung siya na talaga ang itinitibok nito. Kaya naman wala ka ng magagawa pa kapag tinamaan ng pag-ibig, kundi ang sundin ang tibok ng puso.

Photo Credit: Vice Ganda Instagram

Nalalapit na talaga ang araw ng mga puso at ramdam na ramdam na ang mga pusong nagmamahalan. Kagaya na lamang ng magkasintahang Vice Ganda at Ion Perez na ipinakita ang pagmamahal sa isat-isa sa kanilang bakasyon sa Amanpulo, Palawan.

Photo Credit: Vice Ganda Instagram

Ang kanilang naging bakasyon sa private island sa Palawan ay ibinahagi ni Vice at Ion sa kanilang Instagram. Nagbahagi ang dalawa ng mga larawan na kuha sa puting buhangin ng isla, maging mga larawan habang nakasakay sila sa bangka sa gitna ng dagat.




Ang magkasintahan ang kitang-kita ang saya sa kanilang mga mukha habang nagbabakasyon sa napakagandang isla.

Photo Credit: Vice Ganda Instagram

Naunang magpost si Vice ng kanilang masayang bakasyon at nilakipan niya ito ng caption na “When LOVE wins we win.”

Talagang panalong-panalo ang kanilang pagmamahalan sa nakapagandang lugar na pinuno ng kasweetan sa isat-isa habang nakasandal sa isat-isa at tinatanaw ang malawak na karagatan.

Photo Credit: Vice Ganda Instagram




Samantala, ipinakita naman ni Ion ang pagmamahal niya kay Vice sa larawang pinost niya sa kanyang Instagram Account. Makikita sa larawan na nakatayo silang dalawa ni Vice sa isang bangka at gumawa ng hugis pusong imahe gamit ang kanilang braso na naaaninag sa sikat ng palubog na araw.

Nilakipan niya ito ng caption na ““Wala akong maisip na caption babe basta KALUGURAN DAKA!!!” Na ang ibig sabihin ay mahal na mahal kita sa salitang Kapampangan.

Ipinakita ni Vice ang kurba ng kanyang katawan sa suot na pulang swimsuit, samantalang si Ion naman ay kita ang machong katawan sa suot na swimming trunks.




Talaga nga namang walang makakahadlang sa dalawang pusong nagmamahalan. Mas lalong gumanda ang lugar dahil sa kanilang magagandang kuha ng larawan na kung saan ay ramdam na ramdam ang pagmamahal sa isat isa.

Matatandaan na noong nakaraang buwan ng Nobyembre inamin ng dalawa ang kanilang relasyon.

error: Content is protected !!