Connect with us

Entertainment

Vice Ganda At Ion Perez, Ikinasal Na Pala Sa Las Vegas Noon Pang Nakaraang Taon Buwan Ng Oktubre

Tila nga wala nang makakapigil pa sa tamis ng pagmamahalan nina Vice Ganda at Ion Perez. At bago nga sumapit ang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, nito lamang ika-13 ng Pebrero ay isang pasabog ang ibinahagi ni Vice sa isang vlog na mapapanood sa kanyang Youtube channel.

CREDITS: Vice Ganda| YT

Sa kanyang vlog na pinamagatang “What Really Happened in Las Vegas”, ay ginulantang ni Vice ang publiko matapos niyang ianunsiyo na sila nga ng kanyang long time boyfriend na si Ion Perez ay ikinasal na. Sa nasabing vlog ay ipinasilip ng komedyante at It’s Showtime host ang masayang kaganapan sa espesyal na araw nila ni Ion. Maliban naman sa kanilang big day, ay ipinasilip rin ni Vice ang kanilang naging preperasyon para sa araw ng kanilang kasal.

CREDITS: Vice Ganda| YT

Matatandaan naman na noong nakaraang taon buwan ng Oktubre nang lumipad patungong Amerika sina Ion at Vice. At ito na pala ang biyahe nila para maisakatuparan ang kanilang pag-iisang dibdib. Napag-alaman nga sa vlog ni Vice na noong nakaraang taon pa sila ikinasal, at ito nga ay noong Oktubre 19, 2021.

CREDITS: Vice Ganda| YT

Nagpasya sina Ion at Vice na sa Little Vegas Chapel idaos ang kanilang kasal dahil legal dito ang pagpapakasal para sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community sa Estados Unidos. Kaya naman, makikita na bagama’t silang dalawa lang ang nagtungo sa chapel, suot ang all-white nilang kasuotan ay hindi naman matumbasan ang kanilang kaligayahan nang matapos ang seremonya.

CREDITS: Vice Ganda| YT

Hindi man nga mahaba ang naging mensahe ni Ion para kay Vice, ay sapat na ang mga salitang namutawi sa kanyang bibig kung gaano niya kamahal ang kanyang asawa na ngayong si Vice. Samantalang ang mensahe naman ni Vice para kay Ion ay talagang puno ng sensiridad at pagmamahal na ang tanging hangad ay magkasama sila habang buhay. Kitang-kita naman sa kanilang mga titig ang kanilang tunay at wagas na pagmamahal sa isa’t isa.

CREDITS: Vice Ganda| YT

Matapos naman ang kanilang nakakaantig na sumpaan, ay ipinakita rin sa vlog ang pagpirma nila sa kanilang certificate of commitment. Sa huli nga ay proud ring ipinakita nina Vice at Ion ang kanilang certificate of commitment sa kanilang mga tagahanga.

CREDITS: Vice Ganda| YT

Marami naman sa mga tagahanga nina Ion at Vice ang talagang natuwa sa magandang balita na hatid ng kanilang idolo. At sa huling bahagi naman ng vlog ay mapapanood ang mga mensahe ng pagbati mula sa kanilang mga tagahanga.

CREDITS: Vice Ganda| YT

Noong May 2018 nang pinagtagpo ng tadhana sina Ion at Vice sa programa ng huli na Gandang Gabi Vice kung saan dito na nga sila nagsimulang magkamabutihan. Hanggang ipakilala na nga ni Vice si Ion sa publiko bilang Kuya Escort sa programang It’s Showtime.

CREDITS: Vice Ganda| YT

At noong Oktubre 2019, ay ginulat na nga nila ang publiko matapos aminin ang kanilang relasyon sa mismong 10th anniversary ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime sa segment nitong Magpasikat. Matapos nga ay bonggang performance ng grupo ni Vice, ay doon na nga niya isiniwalat sa publiko ang relasyon nila ni Ion.

error: Content is protected !!