Connect with us

Inspiring

Veteran Actress na si Lorna Tolentino, Proud Bilang Isang Ina Na Mag-isang Itinaguyod Ang Kanyang Dalawang Anak

Published

on

Ang pagpapalaki at pagtataguyod ng mga anak ay isang napakahirap na responsibilidad lalo na kung mag-isa mo silang itataguyod. Ngunit, ang pagmamahal ng isang ina ay tunay ngang walang makakapantay sapagkat lahat ay gagawin ng isang ina mabuhay at maibigay lamang ang pangangailangan ng mga anak.

Ang pagmamahal nga ng isang ina ay ipinamalas ng beteranang aktres na si Lorna Tolentino sa kaniyang dalawang anak na mag-isa niyang itinaguyod. Si Lorna Tolentino ay isang mahusay na aktres sa industriya ng showbiz at patuloy pa ring namamayagpag ang karera sa pag-arte.




Noong dekada ’60 nagsimula ang aktres sa larangan ng pag-arte at matagumpay niyang naabot ang kaniyang pangarap na minimithi dahil na rin sa kaniyang husay at galing sa pag-arte. Marami siyang naging proyekto hanggang sa mapanood na siya sa mga teleserye sa telebisyon. Dahil na rin sa kaniyang taglay na kagandahan, nabihag niya ang puso ng aktor na si Rudy Fernandez at hindi nagtagal ay nagpasya silang magpakasal.

Ang kanilang pagmamahalan ay nabiyayaan ng dalawang anak na lalaki, ang panganay ay nagngangalang Raphael at ang bunso naman ay si Renz. Ang bunsong si Renz ang siyang sumunod sa yapak ng mga magulang na pasukin ang showbiz bilang artista. Naging masaya at maayos naman ang pagsasama ng mag-asawa, hanggang sa matapos ito nang bawian ng buhay si Daboy noong 2008 dahil sa malalang kondisyon.

Ngunit hindi ito naging hadlang upang patuloy na mamuhay kasama ang kaniyang mga anak. Dahil nang mawala sa piling niya si Daboy, nag-focus na lamang siya sa kaniyang trabaho at ibinuhos ang atensyon sa pagtataguyod ng mag-isa sa kaniyang mga anak.




Bagama’t walang katuwang sa buhay si Lorna, nagiging matatag siya at kaniyang nalampasan ang pagsubok na kinakaharap ng isang ina upang mapalaki ng maayos at mabuting tao ang kaniyang mga anak. Nagtagumpay nga ang aktres at nagbunga naman ang kaniyang pagsisikap dahil naging mabubuting tao at may respeto sa kaniya ang kaniyang dalawang anak.

Makikita naman sa Instagram ng aktres, na masaya siyang kasama ang mga anak sa pagbabakasyon at pamamasyal sa mga magagandang lugar. Kasama na rin nila ang kaniyang apo sa mga lugar na kanilang pinupuntahan. Makikita rin na talagang nag-eenjoy ang beteranang aktres sa bonding nilang mag-iina sa kanilang pamamasyal.

Kapansin-pansin rin ang pagiging proud ni Lorna bilang isang ina sa kaniyang mga anak dahil madalas niyang i-promote ang mga proyekto at achievements ng mga ito sa social media. Tunay ngang napatunayan ng beteranang aktres ang pagiging mabuting ina dahil maging sa proyeko at pelikula ay madalas na role ng isang ina ang kaniyang ginagampanan.

Kahanga-hanga ang pagmamahal ni Lorna sa kaniyang mga anak na maging ang mga netizens ay napansin ang pagbibigay niya ng dedikasyon sa kaniyang mga mahal na anak, kaya naman sa kaniyang mga post ay madalas umani ng positibong komento at karamihan sa kanila ay sinasabi na napakapalad ng kaniyang mga anak sa pagkakaroon ng isang ina na katulad niya.




Sa katunayan ay naglalaan rin ng oras na mareplyan ni Lorna ang kaniyang mga tagahanga na nagbibigay ng positibong komento sa kaniyang mga post. Kahanga-hanga rin ang pagiging humble ng aktres at pagkakaroon ng respeto sa kapwa na mas nakadagdag sa kaniyang magandang katangian hindi lamang bilang isang ina, kundi bilang isang mabuting tao.

error: Content is protected !!