Connect with us

Entertainment

“Vaseline Girl” na si Alexa Ilacad, Kinagiliwan Ang Kanyang Throwback Photo Sa Instagram

Marami ang mga cute at talentadong child star ang kinagigiliwan sa industriya ng showbiz.

Parang kailan lang na ang mga cute na batang nagbibigay ng saya sa mga manonood ay malalaki na at dalaga at binata na ngayon.




Tulad na lamang ng dating child star at commercial model na si Alexa Ilacad na talagang lumaki na may taglay na napakaganda at napaka-among mukha. Ngunit ang kanyang pagiging cute noon ay sa throwback photo na lang natin masisilayan ngayon. Sa kanyang Instagram, nagbalik tanaw sa kahapon ang dalagang aktres bago sumapit ang kanyang ika-20 taong kaarawan.

Photo Credit: Alexa Ilacad Instagram

Ayon sa aktres na hindi namalayan ang panahong lumipas, tila raw hindi siya makapaniwala na malapit na niyang lisanin ang buhay teenager dahil sa kanyang nalalapit na kaarawan.

Photo Credit: Alexa Ilacad Instagram




“Baby Alexa, 16 years ago. Look at that double chin! I can’t believe I’m turning 20 in a few days (and I still have that double chin)”

Saad ng aktres na magdiriwang ng kaarawan sa darating na February 26.

Photo Credit: Alexa Ilacad Instagram

Nagbahagi ang dalaga ng kanyang throwback photo na kinagiliwan ng mga netizens. Ang larawan na makikita ang kanyang cute na ngiti habang nakasuot ng damit pang flower girl ay umani ng papuri mula sa mga netizens. Maging mga kapwa niya artista ay nagsabing napakacute niya sa nasabing larawan. Makikita rin ang kanyang double chin na sinabi ng dalaga na hanggang ngayon ay dala-dala parin niya sa kanyang magandang mukha. Ang throwback photo na ito ay umabot na ng mahigit 94,000 favorites nang ipost ito.

Photo Credit: Alexa Ilacad Instagram




Narito ang ilan sa mga naging reaksyon ng mga netizens:

“So cute naman ng bata ‘to! Gusto ko talaga ito, e. Nagulat na lang ako na dalaga na siya sa The Killer Bride”

Kumento ng Instagram user na si @jenny_correa_16.

Photo Credit: Alexa Ilacad Instagram

“Kaya ang sobrang ganda mo kasi sobrang cute mo noong bata ka”

Kumento ni @aguilar.annejazz.

Pagbabalik-tanaw naman ni @itsannemazing, “Vaseline girrrrl!”

Photo Credit: Alexa Ilacad Instagram

Talaga nga namang kaybilis ng panahon na ang batang naging bahagi ng Goin Buliit upang magbigay ng saya at kinagiliwan ng mga manonood noon ay isa ng ganap at napakagandang dalaga ngayon.




Matatandaan rin na unang nakilala at kinagiliwan si Alexa bilang commercial model at gumanap na flower girl sa commercial ng Vaseline.

error: Content is protected !!