Connect with us

Entertainment

Valerie ‘Bangs’ Garcia, Ibinahagi ang Masayang Pagdiriwang ng 6 Buwang Kaarawan ng kanyang Napakacute na Bunsong Anak na si Baby Isabelle

Magmula nang isilang ni Valerie o Bangs Garcia ang kanilang bunsong anak ng kanyang asawang si Lloyd Birchmore, ay walang katumbas na kaligayahan ang kanilang nadamraman. Napakasaya ng kanilang pamilya sa pagdating ni Baby Isabelle na isinilang noong buwan ng Hulyo ng nakaraang taon. Tila nga, kompleto na at puno na ng kulay ang kanilang pamilya dahil sa dalawa nilang supling.




Ilang oras nga matapos isilang ni Bangs ang kanilang napakacute na baby girl na si Isabelle, ay agad ibinahagi ng aktres ang magandang balitang ito sa Instagram noong Hulyo 21 sa oras sa UK.

Pahayag nga ni Bangs sa kanyang post, ay kasing bigat rin umano nito ang panganay niyang anak na si Amelia nang kanyang ipinanganak.

“Happy Birthday, Isabella!!! Born on 21st July 2020 at 9:30am weighing 7.8 lbs. (exactly as heavy as her big sister Amelia when she was born.”

Ngunit, tila kaybilis naman ng paglipas ng panahon, dahil hindi namalayan ang paglaki ni Baby Isabelle. At nito lamang ika-210 ng Enero ay masayang ipinagdiwang ng bunsong anak ni Bangs ang 6 buwang kaarawan nito.

At ang milestone na ito ng kanyang anak, ay agad na naman niyang ibinahagi sa Instagram. Isang sweet na pagbati ang inilahad ng aktres para sa kanyang bunsong anak.

Saad nga ni Bangs,“Happy 6th month my little boo boo munchkin!!!?? @isabellabirchmore” at “Lookin’ so cuddly…andmunchy!!!?? @isabellabirchmore#6MonthsOld”

Sa larawang ibinahagi ni Bangs ay makikita ang napakacute na larawan ni Baby Isabelle habang suot ang isang kulang pink na floral dress. Bagay na bagay naman kay Baby Isabelle ang itim at straight nitong buhok. Kung mapapansin nga, ay magkaiba ang buhok ng magkapatid. Ang kanyang Ate Amelia kasi ay may pagka-blonde at medyo wavy tingnan ang buhok.




Samantala, hindi naman talaga maitatanggi ang taglay na kacutan at maamong mukha ni Baby Isabelle. Kaya naman, agad na nakaagaw ng pansin sa mga netizens ang kanyang mga larawan. Hindi nga nakapagpigil ang mga netizens na manggigil sa kacutan ni Baby Isabelle, kung kaya’t dinagsa ng samut saring komento ang naturang Instagram post.

Oh my Gosh she looks like a DOLL , soooo adorable❤️” – @ kevicks10
“omg she’s soooo adooooraaablle?” @youweresocruel
“both of your daughters are so pretty ?, Mommy’s mini, super cute! ???❤”@lovely.yet93”

error: Content is protected !!