Connect with us

Entertainment

Unkabogable Star Vice Ganda, Sinurpresa Ang Kanyang Ina Ng Isang Napakagandang Bahay Na May 7 Bedrooms At Swimming Pool

Isang bonggang surpresa ang handog ni Unkabogable star Vice Ganda sa kanyang ina, at sa kanyang pamilya. Nais nga ni Vice, na ibigay ang abot ng kanyang makakaya para mapasaya ang kanyang pamilya.

CREDITS: Vice Ganda | YT

Kilala si Vice Ganda bilang isa sa pinakamatagumpay na artista sa industriya showbiz. At sa loob nga ng mahigit isang dekada sa industriya ng showbiz ay pinatunayan ni Vice ang kanyang kasipagan at dedikasyon sa kanyang trabaho dahilan nga ng kanyang tagumpay.

CREDITS: Vice Ganda | YT

Hindi naman nakakalimutan ni Vice na ibahagi sa kanyang mga mahal sa buhay ang mga biyaya na kanyang natatanggap. Kaya naman, sa isa niyang vlog ay ibinahagi ni Vice ang isang bonggang regalo na kanyang ipinagkaloob sa kanyang pamilya. Binigyang katuparan nga ni Vice ang inaasam na dream house ng kanyang ina na si Nanay Rosario at apat niyang kapatid. Ibinahagi rin ni Vice na habang kapiling pa niya ang kanyang pamilya, ay nais niyang mapasaya ang mga ito sa abot ng kanyang makakaya.

CREDITS: Vice Ganda | YT

“Kung kaya ko magbigay ng masayang memories… habang may chance, ibigay ang bongga hanggang kaya. Mababawi naman ang magagastos, kaya ko pa naman. Gusto ko maramdaman yung experience ng sarap habang nandito pa ako.

Sa unang bahagi ng vlog ay mapapanood na dinala ni Vice ang kanyang pamilya sa isang lugar para ipagdiwang ang kaarawan ng kanyang ate na si Dr. Tina Viceral. Ngunit, ang inaasahan na simpleng birthday dinner, ay isa palang malaking surpresa.

CREDITS: Vice Ganda | YT

Labis ngang ikinagulat ng pamilya ni Vice, lalo na ni Nanay Rosario nang makita ang “Welcome to your new home, Viceral family!” sa dingding. Ang buong akala nga ni Nanay Rosario ay prank lamang ito ng komedyante. Sa labis na kaligayahan ni Nanay Rosario ay hindi nga ito nakapagsalita at ang ilan pa sa kanila ay naging emosyunal dahil sa labis na pasasalamat. Agad naman nilang nilibot ang napakagandang bahay na may 7-bedrooms at mayroon rin itong sariling swimming pool.

CREDITS: Vice Ganda | YT

Samantala, sa nasabing vlog ay inamin naman ni Vice na bagama’t isa siyang mahusay na komedyante na nagbibigay saya sa milyo-milyong tao, ay may pressure para sa kanya ang mabigyang kaligayahan ang kanyang pamilya.

“Kasi I have been making a lot of people happy, so nandoon yung pressure na I have to make sure na bago yung iba, pamilya ko naman,” ayon kay Vice.

Photo Credits to the owner

Kaya naman, talagang masayang-masaya siya sa tuwing nakikita niyang masaya ang kanyang pamilya dahil sa mga effort na ginagawa niya para sa mga ito. At hangad nga ni Vice na makasama pa niya ng mas matagal ang kanyang pamilya, para mas lalo pa niyang mapasaya at maparamdam ang kanyang pagmamahal sa mga ito at maenjoy ang mga bagay na bunga ng kanilang pagsisikap.

CREDITS: Vice Ganda | YT

“I am happy that I am able to make a lot of people happy. But I am happiest kapag pamilya ko yung napapasaya ko.”

“Sana itong effort kong ito, napapasaya sila. Sana matagal pa kami magsama, para maenjoy pa namin ‘yung pinaghirapan ko, yung pinaghirapan din ng nanay ko, pinaghirapan din ng doktora para maenjoy pa namin ang life together.”

error: Content is protected !!