Entertainment
Unkabogable Star Vice Ganda, Magtatayo ng Sariling Digital Network Upang Matulungan ang Ilang Kapamilya Stars na Nawalan ng Trabaho

Marami ang nalungkot at hindi halos makapaniwala sa hindi inaasahang pagsasara ng ABS-CBN Network, ito nga ay matapos nitong hindi makakuha ng panibagong prangkisa. Dahil nga sa hindi inaasahang pangyayaring ito, marami ang naapektuhan at nawalan ng trabaho. Kaya naman, ang ilan nga sa mga empleyado at artista ng Network ay naghahanap ng ibang pagkakaabalahan at mapagkakakitaan.
Ang ilang Kapamilya stars nga ay naghanap na ng alternatibong trabaho matapos magsara ang pinapasukang network. Kabilang na nga rito ang Unkabogable star na si Vice Ganda. Si Vice ang isa sa pinakamahusay na talent ng Kapamilya Network, at isa rin sa highest paid host ng nasabing network.

Photo credits: praybeytbenjamin | Instagram
Maliban nga sa pagiging co-host ng noontime show na “It’s Showtime”, ay may sarili ring programa si Vice sa ABS-CBN, ito ang “Gandang Gabi Vice”. At kasabay nga ng pagsasara ng network ang siya ring pamamaalam ng kanyang programa na nagpasaya at nagbigay kaligayahan sa mga manonood sa loob ng halos 9 na taon.

Photo credits: praybeytbenjamin | Instagram
Hindi halos makapaniwala si Vice sa sinapit ng kanyang kompanyang kinabibilangan, ngunit sa kabila nito, iniisip parin ni Vice ang kapakanan ng mga empleyado at kapwa niya artista sa nasabing network na nawalan ng trabaho. Kaya naman, nagpasya ang komedyante na magtayo ng sarili niyang digital network upang matulungan ang ilang Kapamilya Stars.
Ayon sa ulat ng Bandera, nalalapit na ngang i-launched ang pinakaaabangang digital network ni Vice kung saan siya mismo ang producer. Isa nga itong digital platform kung saan mapapanood ang mga TV shows ni Vice at ang digital network na ito ay pinangalanan niyang “The Vice Ganda Digital Network”. Sa nasabing digital network ni Vice, ay nais niya ngang tulungang magkaroon ng trabaho at mapagkakakitaan ang mga kasamahan niya sa Viva at ABS-CBN sa pamamagitan ng pag-geguest sa kanyang programa.

Photo credits: praybeytbenjamin | Instagram
Tiyak naman na marami na ang nakaabang sa programang ito ni Vice na kung saan ay marami na naman ang mapapahalakhak sa tawa at mabibigyan ng kaligayahan. Malawak rin ang sakop ng digital network ni Vice dahil mapapanood rin ito sa iba’t ibang digital platform at social media accounts.

Photo credits: google.com
Samantala, ayon sa kumakalat na balita online, ay mismong si Vice ang producer ng kanyang digital network, ngunit marami ang nagulat nang malaman na hindi ang ABS-CBN ang kompanyang may hawak pagdating sa marketing at technical nito kundi ang Viva Agency. At ayon sa trusted showbiz insider, mas pinili umano ni Vice ang Viva Agency, dahil umano sa kadahilanang abala ngayon ang ABS-CBN sa pag-aasikaso ng mga isyu patungkol sa franchise renewal ng network.
“Hindi ko alam, baka siguro hindi pa kaya or baka kasi busy sila sa problema nila, ayaw namang makisabay ni Vice. Kaya nga naurong ang launching, di ba?”
