Connect with us

Entertainment

Unkabogable Star Vice Ganda, Ipinasilip ang Part 2 ng Kanyang House Tour Vlog, Kung Saan Ipinakita niya ang kanyang Mala-Department Store na Walk-in Closet

Hindi naging madali ang pinagdaanan ni Vice Ganda upang matupad ang pangarap niyang bahay, na hindi lamang napakaganda kundi napakalawak rin. Kahanga-hanga rin ang mga kagamitang makikita sa loob ng bahay dahil ang mga ito ay may mamahaling halaga. Ang lahat ng ito, ay nakamit ni Vice dahil sa kanyang sipag, tiyaga at determinasyon sa kanyang trabaho bilang isang artista.

Nauna nang ibinahagi ng Unkabogable star na si Vice Ganda ang ilang bahagi ng kanyang bagong bahay, kung saan ay may mga gamit na sa Part 1 ng kanyang house tour vlog na mapapanood sa kanyang Youtube Channel. Sa naunang vlog nasilayan natin ang unang palapag ng bahay, kasama na rito ang pool area.




At nito lamang ika-9 ng Enero, ay ibinahagi na rin ni Vice ang Part 2 ng house tour, kung saan ipinakita ang ikalawang palapag ng bahay. At isa nga sa ipinasilip ni Vice, ay ang inaabangan ng lahat, ang kanyang kahanga-hangang walk-in closet.

Sa unang bahagi ng video, mapapanood na sa halip na gumamit ng hagdan, ay gumamit ng elevator paakyat si Vice kasama ang mga kaibigan na kinabibilangan ni Negi kung saan ay nagkasya silang apat.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Ipinakita ni Vice ang master’s bedroom, kung saan ay napakalawak at napakaganda. Ang kama nito, ay adjustable kung saan ay maaaring ipwesto sa nais at komportableng posisyon. Napakaganda rin ng view na masisilayan, kapag hinawi ang de remote na kurtina ng silid. Bubungad ang magandang tanawin sa labas, at masisilayan rin ang pool area.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Samantala, ipinakita rin ni Vice ang walk-in closet, na tila isang department store sa laki at lawak ng lugar. Kahanga-hanga rin ang dami ng naggagandahang sapatos, damit, bag at iba pang kagamitan na may mamahaling halaga. Ang bawat hilira naman ay makikitang nakaayos ng mabuti base sa klase ng kasuotan. Labis naman ang tuwa ni Negi, matapos itong bigyan ng bag ni Vice.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube




Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Samantala, naibahagi naman ni Vice na hindi niya halos akalain na ang pangarap niyang magkaroon ng isang napakaganda at napakalaking bahay ay maisasakatuparan niya. Sa kanyang pagbabalik tanaw sa kanyang buhay noon, ay laking pasasalamat ni Vice sa Diyos dahil ginabayan siyang mailagay sa tama ang perang kinikita upang matupad ang kanyang pangarap.

error: Content is protected !!