Connect with us

Entertainment

Unkabogable Star Vice Ganda, Ipinasilip ang Masayang Bakasyon sa Cebu Kasama ang Kanyang mga Kaibigan

Isang masaya at nakakaaliw na vlog na naman ang hatid ng TV host at komedyanteng si Vice Ganda na mapapanood sa kanyang YouTube Channel. Dahil nga, hilig ni Meme Vice ang mag-travel, sa pagkakataong ito, ay ipinasilip ng komedyante ang kanyang bakasyon sa Cebu kasama ang kanyang mga kaibigan.

Nagpasya ang Unkabogable star na magpahinga muna mula sa kanyang trabaho at magbakasyon sa Cebu kasama ang kanyang mga kaibigan na matagal na rin niyang nakakasama tulad nina Lassy, MC, Chad Kinis at Negi.

Sa dalawang episode ng vlog ni Meme Vice, ay ipinasilip niya ang kanilang masayang bakasyon at bonding moments nilang magkakaibigan na talaga namang naghatid ng saya sa mga manonood.

Sa unang episode nga ay makikita na talagang enjoy na enjoy ang magkakaibigan sa kanilang bakasyon. Bungad naman ni Vice sa video, ay kailangan niyang mag-unwind para takasan ang kanyang trabaho pati na rin ang matagal na pananatili sa loob ng bahay.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Sa unang bahagi ng video ay ipinakita ni Vice ang pagkikita nila ng kanyang mga kaibigan sa airport hanggang sa pagsakay nila sa eroplano. Hindi naman nauubusan ng pakulo si Meme Vice sa pagbibigay saya, dahil sinubukan niyang gawin ang trabaho ng isang cabin crew kung saan ay siya mismo ang namigay ng pagkain sa mga pasahero.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Makikita naman na enjoy na enjoy rin ang mga pasahero sa ginawa ni Vice para mapasaya sila. Ang ilan naman sa mga pasahero ay nilibre pa ng pagkain ni Vice matapos makatuwaan.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Samantala, sa pagdating nila sa Cebu ay ipinasilip rin ni Meme Vice ang mga silid nakanilang tutuluyan. At makikita nga na bukod sa komportable ang mga silid, ay talagang napakaganda rin at mukhang mamahalin. Masayang-masaya naman ang magkakaibigan sa kanilang kulitan na dahilan nga upang mapuno ng tawanan ang kanilang bakasyon.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Sama-sama namang kumain ang magkakaibigan sa isang kilalang restaurant sa Cebu na talagang masasarap ang mga inihaing pagkain. Isang nakakatawang pangyayari naman ang naganap matapos ang biglaang room raid ni Meme Vice sa silid ng kanyang mga kaibigan kung saan ang ilan nga ay naaktuhan pa niyang nagbibihis.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Isa naman sa talagang nagbigay kasiyahan sa magkakaibigan, ay ang kanilang pagsakay sa yate na talagang plinano ni Meme Vice. At makikita nga na enjoy na enjoy ang mga ito sa sariwang hangin at magandang tanawin na kanilang natatanaw habang nakasakay sa yate.

Hindi naman maitago ang excitement ni Meme Vice sa kanyang pagbabalik sa Manila dahil nga, hindi niya kasama si Ion sa nasabing bakasyon. Kaya naman ayon kay Meme Vice, ay namimiss na niya ito.

Sa huli ay ipinasilip rin ni Meme Vice ang muli nilang pagsakay sa eroplano pabalik ng Manila. Dahil nga pawang mga komedyante ang mga kaibigan ni Meme Vice, ay napuno ng tawanan at biruan ang vlog ng masaya nilang bakasyon sa Cebu na naghatid rin ng aliw at saya sa mga manonood.

error: Content is protected !!