Connect with us

Entertainment

Unkabogable Star Vice Ganda, Ipinasilip ang Kanyang Napakalaki at Napakagandang Bahay na Ngayon ay Fully Furnished na

Kilala ng lahat ang Unkabogable Star na Vice Ganda bilang isang mahusay na komedyante at TV host sa industriya ng showbiz. Dahil nga, talagang nagsumikap ang komedyante na matupad ang kanyang mga pangarap, mahirap man ang pinagdaanan ay hindi ito naging hadlang upang maisakatuparan ang mga ito. Isa na nga rito ang makapagpundar ng isang napakalaki at napakagandang bahay.

Matatandaan na noong nakaraang buwan ng Oktubre noong nakalipas na taon, ay ipinasilip na ni Meme Vice sa kanyang mga tagahanga ang kanyang ipinagawang bahay na may nakakalulang lawak at sadyang napakaganda. Nang ipasilip ito noon ng komedyante, ay wala itong mga kagamitan kung saan ay sinisimulan pa lamang ang pagsasaayos.

Hindi naman maikakaila na ang bawat bahagi ng bahay ay talagang pinag-isipang mabuti ang magiging disenyo. Ang mga kasangkapan rin ay talagang pinaglaanan ni Meme Vice ng pera dahil sa hindi biro nitong halaga.




Kung noon nga, na wala pang makikitang kagamitan sa loob ng bahay, ay marami na sa mga tagahanga ni Meme Vice ang sabik na masilayan ang ganda ng kanyang bahay. At kamakailan nga, sa latest vlog ni Meme Vice na mapapanood sa kanyang YouTube Channel, ay sinalubong niya ang bagong taon ng puno ng kaligayahan, at binigyan ng saya ang kanyang mga tagahanga matapos ipasilip ang kanyang bagong bahay na ngayon ay fully furnished na.

Kasama ang kanyang mga best friends na sina Negi, Orle, at Kitty, ay ipinasyal ni Meme Vice ang kanyang mga tagahanga sa loong ng kanyang bahay. Ayon naman kay Meme Vice, ay nakalipat na siya sa bahay. Kaya naman, nais niya itong ibahagi sa kanyang mga kaibigan na naging bahagi rin ng kanyang tagumpay.

“Finally nakalipat na ako ng bahay. Nandidito na ako sa bagong bahay at siyempre gusto kong i-share ito sa aking matatalik na kaibigan para makita naman nila ‘yung pinaghirapan ko at na na-achieve ko kasama sila. At ini-invite ko kayong lahat na pasukin ang aking bahay para ma-i-share ko naman sa inyo.”

Photo credits: Vice Ganda | Youtube Channel

Masisilayan nga sa napakalaking bahay, ang modernong disenyo na may kombinasyon ng silver at gray motif na mas pinaganda naman ng mga kakaibang pailaw.

Pagbukas nga ng pinto ng tahanan ni Meme Vice ay bubungad ang napakalawak na living room. Makikita dito ang isang life-sized Moooi horse lamp na nagkakahalaga ng P4 Million. Kahanga-hanga naman ang napiling disenyo ni Meme Vice sa pader, kung saan ay nilagyan niya ng wallpaper ng Brooklyn Bridge. Kakaiba rin ang disenyo ng mga furniture na matatagpuan sa living room ng tahanan ni Meme Vice.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube Channel

Ipinakita rin ni Meme Vice ang ilang kahanga-hangang obra ng mga local artists, na nagbigay naman ng buhay sa kanyang bahay.




Sadyang napakalawak rin ng dining area kung saan masisilayan naman ang modernong mga kasangkapan. Ang entertainment room naman, ay kahanga-hanga sa ganda na talagang ma-eenjoy ang panonood ng pelikula at makakapagrelax rin.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube Channel

Ipinasyal rin ni Meme Vice ang kanyang mga tagahanga sa pool area, na may napakagandang disenyo at masisilayan naman ang angking ganda nito pagsapit ng gabi dahil sa makulay nitong pailaw.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube Channel

Samantala, ang nasabing vlog ay part 1 pa lang ng kanyang house tour. At ang ilang bahagi ng bahay tulad ng walk-in closet at master’s bedroom, ay masisilayan naman sa part 2 ng kanyang vlog.

Matapos naman ibahagi ang house tour vlog sa kanyang Youtube channel na ngayon ay mahigit 2 Million views na, sa Twitter naman, ay ipinaabot naman ni  Meme Vice ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga tagahanga na walang sawang sumusuporta sa kanya.

“Sa lahat ng mga Madlang People at Little Ponies ko maraming maraming salamat sa inyo. Napakalaking bahagi ng pagmamahal at suporta nyo sa magagandang pagbabago ng buhay ko. I am sincerely grateful!”

error: Content is protected !!