Connect with us

Entertainment

Unkabogable Star Vice Ganda at Aktres na si Anne Curtis, Hindi Napigilang Maging Emosyunal sa Muli Nilang Pagkikita Makalipas ang Mahigit Isang Taon

Ang magkaibigang Vice Ganda at Anne Curtis ay talaga namang hindi maikakaila ang pagiging malapit sa isa’t isa. Ang kanilang samahan ay hindi matatawaran na talaga namang isang tunay pagkakaibigan ang meron sila. Saksi nga ang publiko sa napakaganda nilang pagkakaibigan sa tuwing mapapanood sila sa noontime show na It’s Showtime.

Ngunit, dumating nga ang puntong kailangang umalis ni Anne sa programa upang magpahinga dahil sa kanyang pagbubuntis sa panganay na anak nila ng kanyang asawang si Erwan Heussaff. Kinailangan rin ni Anne na magtungo sa Australia upang don magsilang. Dahil nga dito, ay hindi na napapanood sa telebisyon si Anne. At magmula rin ng bumalik sa Pilipinas si Anne ay hindi na rin siya nabigyan pa ng pagkakataong lumabas sa telebisyon.

Kaya naman sa naganap na Gandemic concert ni Vice ay hindi napigilan ng magkaibigang Vice at Anne ang maging emosyunal sa muli nilang pagkikita matapos ang mahigit isang taon.

Marami nga ang nasurpresa sa naganap na concert ni Vice nang biglang lumabas si Anne para magkasama sila sa isang duet para magbigay saya sa kanilang mga tagahanga.

Ipinaliwag naman ni Vice sa concert ang dahilan kung bakit niya pinapunta si Anne sa mismong araw ng concert. Ayon nga sa Unkabogable star, ay iniisip niya ang kaligtasan ng kanyang pamilya lalo na ang baby ni Anne na si Baby Dahlia, lalo na nga’t laganap ang nakakahawang sakit ngayon.

“Hindi kami nagkita talaga at all. Hindi kami nagkita sa rehearsal. Ito lang ‘yung first time. Gusto ko dito lang tayo magkikita at saka ayokong lumabas ka. Siyempre, may bagets. Sabi ko, one time big time lang lalabas si Anne. Huwag nang palabasin.”

Hindi na nga napigilan ni Vice ang maging emosyunal, dahil talagang namiss niya ang kanyang kaibigan.

“Kanina naiiyak na ako. Pero sabi ko hindi. I really miss you so much.”

Mabilis namang sumagot si Anne sa kanyang kaibigan, at sinabi na si Vice lamang ang may kakayahang palabasin siya sa kanilang bahay.

“Ikaw lang talaga ang magpapalabas sa akin nang ganito, to do this again.”

Ibinahagi rin ni Vice kung gaano siya kasaya dahil pinaunlakan ni Anne ang kanyang imbitasyon na mag-guest sa kanyang concert. Ngunit, kung sakali namang tanggihan siya ni Anne sa kanyang kahilingan, ay maiintindihan umano niya ito, dahil nga isang nang ganap na ina si Anne.

“Hindi kasi siya lumalabas kasi, siyempre, may baby kaya nga isang tawag ko lang sa kanya, nag-yes naman siya. Pero suntok sa buwan iyon. But I would understand if you will say no. Siyempre, nanay, hindi naman rampa-rampa lang ito.”

Samantala, maliban sa pagiging guest si Anne sa kanyang concert, ay mas ikinatuwa naman ng komedyante ang muli nilang pagkikita matapos ang mahabang panahon. At ang mga kanta na inawit nila, ay para raw talaga kay Anne dahil namiss niya ito ng sobra.

“Alam mo ang saya ko nag-guest ka. Pero bukod doon, ang pinakamasayang part, nakita kita uli. ‘Yung mga kinanta natin, puro para sa iyo talaga iyon. I am officially missing you,” sambit pa ng komedyante.

Pabiro naman ang naging kasagutan ni Anne sa madamdaming pahayag ni Vice. Ayon nga rito, ang isa sa mga dahilan ng kanyang pag-iyak ay ang mataas at mahirap na awiting kinanta nila.

“Ang ganda ng mga pinili mong songs, pero kaya rin ako naiiyak kasi ang hirap nilang kantahin.”

error: Content is protected !!