Connect with us

Entertainment

Unkabogable Star na si Vice Ganda, Ibinahagi ang Naging Bakasyon sa Boracay Bilang Selebrasyon ng Kaniyang Kaarawan

Si Vice Ganda ay itinuturing sa ngayon bilang isa sa pinakasikat at matagumpay na host, komedyante, at aktor dahil sa kaniyang hindi mabilang na mga parangal. Nagkaroon din siya ng ilang sold-out concerts at pelikula noong mga nagdaang taon.

Photo credits: Vice Ganda |YT

Dahil dito, hindi na bago para kay Vice Ganda at sa kaniyang pamilya ang mga magagarang selebrasyon ng kaniyang kaarawan. Bukod sa kaniyang mga unkabogable na birthday production number sa It’s Showtime, nagkakaroon din siya ng selebrasyon kasama ang kaniyang mga malalapit na kaibigan at mahal sa buhay.

Photo credits: Vice Ganda |YT

Bilang selebrasyon ng kaarawan niya sa taong ito, ibinahagi ni Vice Ganda sa isang YouTube vlog ang naging bakasyon niya at ng kaniyang buong pamilya sa Boracay. Hindi mawawala sa bakasyong ito ang kaniyang partner na si Ion Perez at ang kaniyang pinakamamahal na nanay.
Bukod sa pagiging isang komedyante at aktor, kilala rin si Vice Ganda bilang isang mapagbigay na personalidad, hindi lamang sa kaniyang pamilya at mga kaibigan, kundi pati na rin sa kaniyang mga fans.

Photo credits: Vice Ganda |YT

Hindi niya nakakalimutang magpasaya sa ibang tao kaya naman naging bahagi rin ng kaniyang selebrasyon ang sorpresang regalo at cash para sa iba pang bakasyunista sa Boracay. Dahil sa sorpresang ito, labis din ang kasiyahan ng kaniyang mga taga-suporta. Higit sa lahat, kapansin-pansin din ang kasiyahan ng pamilya ni Vice Ganda sa munting bakasyon na ito.

Photo credits: Vice Ganda |YT

Labis din ang kilig ng ilang netizens nang mapansin ang pagiging sweet ng komedyante at ng kaniyang kasalukuyang partner at co-host sa It’s Showtime na si Ion. Dahil dito, ramdam din ng ilan ang kasiyahan ng komedyante.

Photo credits: Vice Ganda |YT

Sa kaniya namang Instagram account, nagbahagi si Vice Ganda ng ilang litrato noong kaniyang kaarawan kung saan napakaraming kaibigan mula sa showbiz ang bumati sa kaniya

. Binati rin naman si Vice Ganda ng kaniyang mga followers at subscribers sa social media. Dagdag pa rito, pinuri nila ang kabaitan at pagiging mapagpakumbaba ng It’s Showtime host.

Photo credits: Vice Ganda |YT

Ayon nga sa isang netizen, “Continue to be so kind ate vice sa mga madlang people! Happy birthday!” At dahil nga sa good vibes at masayang selebrasyon na ibinahagi ni Vice Ganda, naging trending ang birthday vlog na ito at kasalukuyang mayroong 1.4 million views at 46,000 na likes.

error: Content is protected !!