Connect with us

Entertainment

Unica Hija ng Mag-asawang Jessa Zaragosa at Dingdong Avanzado na si Jayda, Masayang Ipinagdiwang ang Kanyang Eleganteng 18th Birthday

Ang nag-iisang anak ng mag-asawang beteranong singer at composer na sina Jessa Zaragosa at Dingdong Avanzado na si Jayda, ay isa nang ganap na dalaga ngayon. Si Jayda ay tulad rin ng kanyang mga magulang na taglay ang natatanging talento sa pag-awit. Kaya naman, inaasahaan rin ang pagsunod ng maganda at talentadong dalaga sa yapak ng kanyang mga magulang sa mundo ng showbiz. At ngayon nga, ay isa si Jayda sa mga rising star ng bagong henerasyon.

Nito lamang nakaraang June 28, ay masayang ipinagdiwang ni Jayda ang kanyang ika-18 na taong karaawan. At para nga sa espesyal na pagdiriwang ng kanyang pagiging isang ganap nang dalaga, ay ipinaghanda siya ng kanyang mga magulang ng isang napakaganda at eleganteng birthday celebration na ginanap sa Okada Manila sa Parañaque. Ang espesyal na okasyon na ito ay dinaluhan ng limitado nilang bisita na kinabibilangan ng kanilang pamilya at ilang mga kaibigan.

Sa espesyal na kaarawan ni Jayda ay hindi nawala ang kanyang mga malalapit na kaibigan katulad na lamang nila Francine Diaz, Bugoy Drilon, Robi Domingo at Iñigo Pascual. Pati na rin ang mga malalapit na kaibigan ng kaniyang mga magulang ay dumalo rin.

Samantala, noong July 2 ay ibinahagi naman ng Nice Print Photography sa kanilang YouTube Channel ang isang video na kuha sa kabuuang kaganapan at nagsilbi ring pasilip sa mga tagahanga sa eleganteng selebrasyon ng 18th birthday ni Jayda. Makikita nga na sadyang napakaganda ng dalaga sa suot nitong gown. Hindi nga maikakaila na ang taglay na kagandahan ni Jayda ay namana niya sa kanyang mga magulang, lalo na nga sa kanyang ina na si Jessa kung saan ay hindi maitatago ang kanilang malaking pagkakahawig.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jayda (@jayda)

Sa ginawang toast para sa kaarawan ni Jayda ay nagbigay ng mensahe si Jessa para sa kanyang anak, “I’m so proud of you anak, Alam ko yung hardwork mo. Grabe! Bilib ako sa work ethics mo, lahat ng ginagawa mo. Andito lang kami lagi ni Dad sa likod mo. I love you, my baby.”

Samantala, ang kanyang Daddy Dingdong naman ay hindi rin nagpahuli sa pagbibigay ng mensahe sa kanyang unica hija na ngayon nga ay isa nang ganap na dalaga at nasa legal age na.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jayda (@jayda)

Hindi naman matatawaran ang labis na pasasalamat ni Jayda sa kanyang mga magulang para maging masaya at espesyal ang kanyang kaarawan. Nagpasalamat rin ang dalaga sa kanyang mga mahal sa buhay at mga kaibigan na dumalo sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

“Again, thank you, so much for being here tonight. It really means a lot to me”.

Sa ngayon ay abala na si Jayda sa pagpo-promote ng kaniyang debut album na “Bahagi” matapos ang kaniyang kauna-unahang major concert na “Jayda in Concert”.

error: Content is protected !!