Connect with us

Entertainment

“Umiiyak na lang ako, sabi ko ‘Mona, lumaban ka!”: Ivana Alawi, Gagawin Ang Lahat Kahit Maubos Pa Ang Kanyang Pera Para Lamamg Gumaling Ang Kanyang Kapatid Na Si Mona

Ang aktres at vlogger na si Ivana Alawi ay sadyang mapagmahal sa kanyang pamilya. At ang prayoridad nga ni Ivana higit sa anumang bagay ay mapasaya at maibigay ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Madalas nating masilayan sa mga vlog ni Ivana, kung gaano niya kamahal ang kanyang pamilya na kung saan nga ay gagawin ang lahat para sa mga ito.

Kamakailan lamang, sa naging panayam ng talent manager na si Ogie Diaz kay Ivana ay naging emosyunal ang aktres matapos nilang mapag-usapan ang tungkol sa kalagayan ng kalusugan ng kanyang kapatid na si Mona. Hindi na nga lingid sa kaalaman ng marami na may dinaramdam na Type 1 diabetes si Mona. Sa edad na walong taong gulang nang malaman ang sakit ni Mona, kung saan nga ay nag-iinsulin na at siya na rin minsan ang nag-iinject sa kanyang sarili.

Alam ni Ivana na hindi madali ang pinagdadaanan ni Mona, kaya naman hanggang ngayon ay patuloy silang naghahanap ng mas magandang lunas sa sakit ng kanyang kapatid.

Kwento ni Ivana, kahit madalas isipin ni Mona ang gastos para sa gamot nito, ay mas iniisip pa rin niya ang kagalingan ng kanyang kapatid. Na ang dahilan nga ng pagtatrabaho ni Ivana ay para maibigay niya ang pangangailangan at mas makakabuti sa kanyang pamilya.

“Minsan nga sinasabi ni Mona, ‘Ate tama na. Ang mahal nito, ang mahal ng ganyan’. Sabi ko, ‘Mona, kaya nga ako (nagtatrabaho) because I want to give you the best’.”

“Bakit pa ako nagtatrabaho kung hindi ko naman ibibigay sa pamilya ko,” saad ng seksing aktres.

Kwento pa nga ni Ivana, ay napakahalaga sa kanya ng kanyang pamilya at talagang mahal na mahal niya ang mga ito. Kaya naman, balewala sa kanya ang pera dahil hindi niya naman ito kailangan. Ayon pa kay Ivana, ay handa siyang ubusin ang kanyang pera para lamang kapakapan at kalusugan ng kanyang pamilya. At para nga sa kagalingan at ikakabuti ni Mona, ay handa siyang ubusin ang lahat ng kanyang pera gumaling lamang ito.

Hindi naman nawawalan ng pag-asa si Ivana sa paniniwalang balang-araw ay gagaling rin si Mona. Ngunit, pag-amin ni Ivana ay hindi niya talaga maiwasang maiyak at malungkot sa tuwing nakikita niyang nahihirapan si Mona kung paano nitong labanan ang dinaramdam na sakit.

“Umiiyak na lang ako. Sabi ko ‘Mona, lumaban ka!’ Kasi minsan may mga time na pinanghihinaan siya ng loob, na parang puro sakit. Everyday, all she feels is pain,” pagbabahagi pa niya.

Inamin rin ni Ivana na hindi niya kakayaning mawala ang kanyang kapatid kaya madalas niyang palakasin ang loob ng kanyang kapatid na lumaban. At kung sakali mang iwan siya nito, ay mawawala rin raw ang kwela at masayahing Ivana dahil hindi talaga niya matatanggap ang mawala ito.

Sa ngayon ay medyo maayos na rin ang lagay ni Mona, at unti-unti nang gumaganda ang lagay ng katawan nito. Kaya naman, napapanood na rin minsan si Mona sa mga vlog ni Ivana. Hindi naman maitago ni Ivana ang kanyang kasiyahan sa unti-unting paggaling ni Mona.

Nag-iwan naman ni Ivana ng mensahe para sa mga taong nahihirapan at may pinagdadaanan ngayong panahon ng pandemya na huwag sumuko at huwag mawalan ng pag-asa.

“Never lose hope because marami tayong pinagdaraanan and itong pandemic, isa ito sa mga struggles natin that we will overcome and we will become stronger.”

error: Content is protected !!