Connect with us

Entertainment

“Umabot kami sa kanin at toyo”: Kim Chiu, Inamin na Nag-ulam ng Toyo sa Kanin Dahil sa Hirap ng Buhay Noon

Bago pa man bansagang Chinita Princess sa industriya ng showbiz at makamit ang tinatamasang tagumpay ngayon, ay matinding hirap rin sa buhay ang naranasan ng aktres at TV host na si Kim Chiu.

Kamakailan lamang sa segment ng programang “It’s Showtime”na ReIna ng Tahanan, ay ibinahagi ng ilang host ng programa na kinabibilangan ni Kim, ang ginagawang paghihigpit ng sinturon ng kanilang pamilya para lamang makaraos sa araw araw at maibsan ang gutom dahil sa hirap ng buhay.

Photo credits: Kim Chiu | IG

Matapos magkwento ng contestant sa naturang patimpalak ng Reina ng Tahanan, ay tinanong ni Vice Ganda si Kim kung ano ang ginagawang paraan ng pamilya ng aktres para makatipid at makakain kapag walang-wala. Ibinahagi nga nina Vice at Kim na hinahaluan nila ng pampalasa ang kanin para lang may magsilbing ulam at maitawid ang gutom ng kanilang pamilya.

Ayon kay Kim, ay naranasan ng kanyang na kumain ng toyo at kanin kapag walang-wala maitawid lang ang gutom.

“Oo naman… Umabot kami sa ano, kanin tapos toyo lang ang kinakain,”sagot ni Kim sa tanong ni Vice.

Dagdag naman ni Kim,“Kanin tska UFC catsup.”

Samantala, kwento naman ni Vice ay hinahalo niyang pampalasa sa kanin noon ay kondensada o kaya naman ay toyo. Ayon pa kay Vice, ay nasanay raw silang kumain ng ganoon nang hindi nila nalalan na dumaraan pala sa problemang pinansyal ang kanilang pamilya kaya wala silang maiulam.

Photo credits: Kim Chiu | IG

Sa nagbabalik tanaw nga nila sa hirap ng buhay nila noon, ay ibinahagi pa ni Vice na pag tuwing walang pera ay chicken noodle soup ang ulam nila. Naranasan rin ng pamilya ni Vice na mag-ulam ng miswa at sardinas na hahaluan lang ng maraming tubig upang dumami. Bagay na sinang-ayunan rin ni Kim.

Photo credits: Kim Chiu | IG

Sa kabila ng hirap na naranasan nila noon, ay hindi sila sumuko bagkus ay nagpatuloy sa pag-abot ng mga pangarap. At dahil nga sa kanilang pagsisikap ay nakamit nila ang minimithing tagumpay. Sa kabila naman ng tinatamasang tagumpay ngayon, ay hindi sila nakakalimot sa kanilang hirap na naranasan at buhay na kanilang pinagmulan.

Photo credits: Kim Chiu | IG

Ang 31 taong gulang na aktres na si Kim Chiu, ay unang nakilala ng publiko matapos magwagi sa talent reality show na Pinoy Big Brother sa edad na 16 noong 2006. Magmula nga noon ay tuluyan nang umusbong ang karera ni Kim sa industriya ng showbiz kung saan ay inulan ng proyekto. Ilan nga sa kanyang mga naging proyekto na kanyang pinagbidahan ay My Girl (2008), Tayong Dalawa (2009), Kung Tayo’y Magkakalayo (2010), My Binondo Girl (2011–2012), Ina, Kapatid, Anak (2012–2013), Ikaw Lamang (2014), The Story of Us (2016), Ikaw Lang ang Iibigin (2017–2018), Love Thy Woman (2020) at Bawal Lumabas: The Series (2020).

Photo credits: Kim Chiu | IG

Sa ngayon ay mapapanood si Kim sa noontime show na It’s Showtime bilang TV host upang maghatid na saya sa mga manonood. Masaya naman ang love life ni Kim sa piling ng kanyang boyfriend na si Xian Lim.

error: Content is protected !!