Entertainment
Twin Goals: Kilalanin, Kambal Na Sabay Naging CPA, Sabay Ring Pumasa Sa Bar Exam

Tunay nga na napakasarap mangarap kapag may kasama ka sa pag-abot ng mga pangarap na hinahangad sa buhay. Talaga nga namang mapapasambit ka na lang “twin goals” sa inspirasyon na hatid ng kambal na nagbahagi ng kanilang kwento na kung saan ay magkasamang nagtagumpay sa pag-abot ng kanilang pangarap.
Ito ang caption sa post ng bagong lawyer na si Flourence Kathrine Salubre Enriquez kung saan nilakipan niya ng mga larawan na kasama ang kambal na si Flourence Marie Enriquez.
“Twin goals ?❤️?⚖️?⚖️?♀️ Thank you Lord! ?,”
Kahanga-hanga ang ipinakitang pagsusumikap ng kambal upang ang kanilang pangarap ay matupad, hindi lamang para sa kanilang sarili kundi para na rin sa kanilang mga magulang.
Ang kambal ay kabilang sa 2,103 mula sa 7, 685 examinees (27.36%) na nakapasa sa bar exam noong 2019 na isinagawa noong Nobyembre 2019.
Ang kambal nga ay parehong naging ganap na Certified Public Accountant (CPA) matapos nilang pumasa sa board exam sa Accountancy. Ngunit, dahil pareho rin nilang pangarap maging CPA lawyer, nagpatuloy silang dalawa sa pag-aaral ng Law.
Ayon sa kwento ng kambal, ang isa raw sa magandang dulot ng pagkakaroon ng kambal na study buddy ay nakakatipid sila ng pera sa mga libro dahil tanging isang libro lang ang kanilang binibili sa bawat subject. At nagsasagawa na lamang sila ng schedule sa bawat araw kung sino ang gagamit ng libro upang makasiguro na makakapag-aral silang mabuti at hind magtatalo sa parehong libro.
“We only bought one book for the both of us (except when required) and scheduled our study time for that subject,”
Nagkakasundo at nagtutulungan rin ang kambal sa pag-aaral dahil gumawa sila ng study set up upang mas higit nilang maunawan ang bawat aralin. Ang sinumang unang makabasa at mapag-aralan ang kabuuang kaso ang siyang magpapaliwanag sa kakambal ng mga importanteng detalye nang sa gayon ay tanging mga key points na lang ang babasahin ng kakambal. Sa ganitong paraan, nakakatipid sila ng oras at effort habang silang magkasamang nag-aaral.
Marahil, ay napakahirap mag-aral ng Law ngunit ang pagkakaroon ng kambal na study buddy ay nakakatulong upang mapagaan ito.
“We would study together, we have the same set of friends, we helped each other even during recitations. We motivate each other, and one scolds the other if the latter has lower grades.”
Ang tanging disadvantage umano na kanilang naranasan ay madali silang naaalala ng kanilang mga professor dahil sa pagiging kambal nila. Kaya naman, pagdating sa recitation ay palagi silang tinatawag ng mga ito. Ngunit, nakatulong naman ito sa kanila upang mas lalo pang pag-igihan ang pag-aaral.
“During the first days of class, when the professor would ask ‘kambal ba kayo?’ we know we are doomed,”
Ang tagumpay na naabot ng kambal ay iniaalay nila sa yumao nilang magulang na nagsisilbing inspirasyon sa kanila. Nagpapasalamat rin sila sa kanilang kapatid na nagtatrabaho sa abroad na tumutulong sa kanila sa mga bayarin at tuition fee sa kanilang paaralan.
“We lost our mom when we were 12 years old and our dad during our last year in college. It was really our Papa’s dream of becoming a CPA-Lawyer,”.
“We think of them, of their sacrifices, and their beaming faces because we know they are proud of us.”
Labis naman ang nararamdamang kaligayahan ng kambal sa panibagong yugto ng buhay na kanilang naabot. Dahil nga, nagsasagawa na sila ng tax practice noon pa mang 2012, nais ng dalawa na linangin ang naturang field habang nagtatrabaho. Maliban dito, nais rin nilang magturo ng Law upang makatulong sa iba sa pag-abot ng kanilang pangarap na maging isang lawyer.
