Connect with us

Entertainment

TV Host na si Pia Guanio, Hinangaan ng Marami Matapos Ipakita ang Kanyang Fit at Seksing Pangangatawan Kahit Dalawa na ang Anak

Inspirasyon ang hatid ng isa sa co-host ng longest running noontime show na Eat Bulaga na si Pia Guanio sa mga netizens na nais magkaroon fit and healthy body. Sa ngayon kasi ay hindi aakalain na may dalawang anak na si Pia dahil makikita na napakaganda ng hubog ng kanyang katawan.

Pinahanga ni Pia ang maraming netizens matapos niyang ibahagi sa Instagram ang kanyang kuha ng larawan na napaka-fit at seksing tingnan. Sa edad na 46, ay nananatiling fresh at blooming ang kanyang awra na animo’y hindi tumatanda at tila walang dalawang anak.

At ang sikreto nga ni Pia upang mapanatili ang kanyang seksi at fit na katawan ay ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili. Malaki rin ang naitulong sa kanya ng pagmo-motivate ng kanyang asawang si Steeve Mago para mas lalo siyang ganahan at magkaroon ng determinasyon na maachieve ang goal na maging fit and healthy.

Photo credits: Pia Guanio | IG

Magkasundong-magkasundo ang mag-asawang Pia at Steeve pagdating sa pagiging fit. Sa katunayan nga nito, ay nagsisilbi nilang bonding moments ang pag-wowork out ng magkasama. Si Steeve ay tulad rin ni Pia na isang fitness enthusiast. Ayon naman kay Pia, ay madalas siyang paalalahanan ng kanyang asawa kung gaano kahalaga ang pag-eehersisyo sa katawan.

Photo credits: Pia Guanio | IG

“When I feel like skipping a workout, a dependable work-out partner keeps me in check and pushes me to the limit. During this quarantine, my husband Steeve motivates me and reminds me how working out makes me feel so much better physically, mentally and emotionally.”

Photo credits: Pia Guanio | IG

Hindi naman maitatanggi na ang pagod at sakrispisyo ni Pia sa kanyang pag-wowork out ay nagbunga kung saan makikitang napakafit ng kanyang katawan at bumata ring tingnan. Dahil dito, ay agad niyang nakuha ang atensiyon ng mga netizens na talagang humanga kung saan ay nag-iwan ng komento sa kanyang larawan na puno ng kaseksihan.

“Fitspiration couple. Healthy way of bonding narin po ninyo mag asawa.”

“Napaka sexy nyo po talaga mam Pia.Gustong gusto ko ang pagiging morena nyo tapos sobrang sexy po ninyo. Kaka inggit.”

Ikinasal si Pia sa kanyang asawang si Steeve na isang businessman na ginanap sa pamamagitan ng pribadong seremonya ng kasal sa Ayala, Alabang noong 2011. Ang kanilang pagmamahalan ay biniyayaan ng dalawang anak. Ang kanilang panganay na anak na si Scarlet Janine ay isinilang noong 2012 at ang bunsong si Soleil Brooklyn ay noong 2017 naman isinilang ni Pia.

Photo credits: Pia Guanio | IG

Samantala, matatandaan na noong 2015 nang lisanin ni Pia ang segment na Chika Minute sa 24 Oras bilang anchor host matapos ang 11 taong serbisyo. Bagama’t wala na sa 24 Oras, ay patuloy pa rin siyang napapanood sa Eat Bulaga. Nagsimula ang karera ni Pia
bilang isang traffic reporter ng CALTEX’s Roadwatch noong 1999 at hosts ng ABS-CBN morning show na Alas Singko Y.

error: Content is protected !!