Connect with us

Entertainment

TV Host at Modelong si Pheomela Baranda, Ibinahagi ang Simpleng Selebrasyon ng Binyag ng Kanyang Bunsong Anak na si Illya

Ang TV host at modelong si Pheomela Baranda maliban sa kanyang pagiging abala sa kanyang karera, ay masaya rin siya ngayon sa pagiging ina sa kanyang mga anak.

Credits: Phoemela Baranda ~ Instagran

Lingid sa kaalaman ng marami, sa edad na 19 ay nagkaanak na si Pheomela. At ito nga ang kanyang anak na si Nicole, na ngayon ay 22 taong gulang na, at pumasok na rin sa showbiz kung saan nga ay nakilala nang mapabilang sa reality show na Pinoy Big Brother: All In at maging teen housemate. Samantala, maliban kay Nicole ay may isa pang anak si Pheomela, siya naman ang cute na cute na baby girl ng TV host na si Baby Illya.

Si Pheomela ay matagal nang karelasyon ang businessman at professional race car driver na si Jason Choachuy. Matatandaan nga na noong Nobyembre 2020 ang kanilang matamis na pagsasama ay nagbunga na. At noong Marso 2021 nga, ay dumating na sa kanilang pamilya ang kanilang hinihintay na munting anghel na si Baby Illya Samantha.

Credits: Phoemela Baranda ~ Instagran

Sa mabilis na paglipas ng panahon, ay bagong milestone na naman bilang isang magulang ang naganap sa buhay ni Pheomela. At ito nga ay matapos ibahagi ng TV host ang simpleng baptism ng kanyang bunsong anak kamakailan.

Sa Instagram, ay ibinahagi ni Pheomela ang ilang litrato na kuha sa intimate ceremony ng baptism ng kanyang anak na naganap sa Santuario de San Antonio Parish sa Makati. At kahit nga nasa gitna ng enhanced community quarantine, ay naging maayos at matagumpay naman ang baptism ni Baby Illya kung saan nga ay dinaluhan ng pili nilang kaibigan.

Credits: Phoemela Baranda ~ Instagran

Sa mga larawan na ibinahagi ng TV host ay makikitang kasama ni Pheomela at ng kanyang partner na si Jason ang TV personality na si Tim Yap at model-turned-PR maven na si Apples Aberin na tumayong Ninong at Ninang ng kanilang anak na si Illya.

Makikita naman sa mga litrato na sadyang napakacute ni Baby Illya sa suot nitong all white dress para sa kanyang binyag. At maging sina Pheomela at Jason pati na rin ang mga Godparents ni Baby Illya ay nakasuot rin ng all white.

Nilakipan naman ni Pheomela ang kanyang mga ibinahaging larawan sa Instagram ng captiona na:

Credits: Phoemela Baranda ~ Instagran

“Our little Illy entering the Christian World.”

Samantala, dahil nga sa ipinatupad na ECQ sa Metro Manila, ay may mga pagbabago rin sa plano ni Pheomela para sa binyag ng kanyang bunsong anak bilang pagsunod sa safety protocols. Ang madaming bisita ay nauwi sa kakaunti at piling bisita lamang, at ang reception na dapat sana’y sa restaurant ay idinaos na lamang sa loob ng kanilang tahanan.

Credits: Phoemela Baranda ~ Instagran

“We cancelled the restaurant right away and just decided to send the Godparents a care package. Ordered food trays for the household and set up the living room with balloons and a beautiful cake as the centrepiece.”

error: Content is protected !!