Connect with us

Entertainment

Tunay Na Rason Sa Pagkawala Ni Super Tekla Sa Wowowin Noon, Nilinaw Ni Kuya Will, Handang Tulongan ang Baby ni Super Tekla sa Operasyon nito

Published

on

Sa makulay na mundo ng entertainment industry, isa si Super Tekla o Romeo Librada sa totoong buhay sa mga komedyanteng hinahangaan ng maraming Pinoy. Bukod kasi sa natural niyang galing sa pagpapatawa, marami ang naaliw dahil nagagawa niyang gampanan ang mga “gay roles” kahit pa siya ay isang straight na lalaki.



Hindi na nga lingid sa kaalaman natin na mayroon siyang mga anak, at ang isa nga sa mga ito ay ang kanyang bagong silang na anak na si Baby Angelo ay mayroong birth defect na tinatawag na anorectal malformation.

Isa itong malaking pagsubok para sa Kapuso comedian dahil apektado ang kanyang kabuhayan ng COVID-19 pandemic at kinakailangan na kasing maoperahan agad ang kanyang anak.

Naglakas loob na nga rin si Super Tekla na lumapit sa host ng dating programang kanyang kinabibilangan na si Willie Revillame. Sa pamamagitan ng dating kasamahan na si Donita Rose ay nakaabot sa Wowowin host ang kasalukuyang sitwasyon ni Super Tekla at ng anak nito.

“Nahihiya po siya na lumapit sa inyo kaya pinadaan niya sa akin na baka puwede ko siyang ilapit sa inyo kasi walang-wala nga raw po siya. So sabi ko, tutal para sa bata naman ‘yan, gagawin ko ‘yong best ko kaya naglakas-loob po ako na sabihin sa inyo na lumalapit siya at humihingi ng tulong,” pagbabahagi ni Donita.

Sa programa nga nila kamakailan ay agad tumugon si Willie na tutulong ito sa gagastusin sa operasyon ng anak ng Kapuso comedian.

Kasabay nito ay hindi niya na rin pinalagpas pa ang pagkakataon upang linawin ang totoong dahilan sa pagkawala ni Super Tekla sa kanyang program noon.

Narito ang kanyang pahayag:

“Para malaman ninyo, matapos na ‘yong kung anong mga sinasabi ninyo dati, hindi ko pinaalis ‘yang si Tekla. Siya ang umalis. Bakit? Natutulog sa taping. Hinahanap namin, natutulog, biglang umalis,” panimula ng Kapuso host.



“Tekla, kahit na iniwan mo kami…hindi kita sinusumbatan, may pinagdaraanan ka ngayon… iniwan mo ko pero may problema ka ngayon. Nandito ako para tulungan ka. ‘Wag kang mag-alala, tutulungan kita para sa anak mo,” dagdag pa ni Willie.

Matatandaang maraming issues ang naglabasan noon ng biglang nawala sa Wowowin si Super Tekla, nariyan ang isa sa balita na di umano ay tinanngal siya ni Willie dahil sa mga bisyo nito. Subalit hindi naman ito napatunayan at minabuti nalang ng parehong panig ang manahimik sa totoong rason ng kanyang biglaang exit sa naturang programa.

Kaya naman ngayon na nanggaling na mismo kay Willie ang pahayag na ito, mas nagkaroon na ng linaw para sa publiko ang mga totoong naganap noon.

Hindi tuloy maiwasan ng marami na lalo pang humanga sa napakabait na host at producer ng Wowowin dahil kahit pa nga hindi naging maganda ang pag-alis ni Super Tekla ay handa pa rin niya itong tutulungan.



“Hindi ako nagtatanim ng galit kahit kanino. Laging may forgiveness dapat ang puso ng tao…Eh ganoon ang buhay, panahon talaga ngayon para magtulungan tayo. Ito ang panahon para tanggalin yung bitterness at hatred,”

pahayag pa ni Willie na nagbigay pa ng mensahe sa Kapuso comedian na personal siyang puntahan para mas maayos silang makapagusap.

error: Content is protected !!