Connect with us

Entertainment

Tunay na Dahilan sa Likod ng Biglaang Paglobo ng Katawan ni Angel Locsin, Ikinagulat at Ikinalungkot ng Marami

Ang aktres na si Angel Locsin ay isa nga sa talagang hinahangaan sa industriya ng showbiz hindi lamang dahil sa taglay niyang husay sa pag-arte, kundi dahil na rin sa kanyang taglay na magandang mukha at magandang hubog ng kanyang katawan.

Ang taglay na kaseksihan ni Angel ay pinatunayan niya sa kanyang pagganap ng Darna kung saan ay marami ang humanga sa kanyang magandang hubog na katawan na talagang angkop rin sa kanyang ginampanang role. Maliban rito, ay minsan ring tininanghal si Angel bilang most sexiest woman sa bansa sa isang magazine.

Nagsimula si Angel sa kanyang karera sa GMA Network at maraming nagawang proyekto katulad ng Mulawin kung saan nakasama niya sina Richard Gutierrez at Dennis Trillo. Mas namayagpag naman ang karera ni Angel sa kanyang pagganap sa teleseryeng Darna, kung saan ay talagang minahal ng publiko.

Ngunit, matapos ang matagumpay na karera ni Angel sa GMA ay nagpasya ang aktres na lumipat ito sa kalabang network na ABS-CBN. Dito nga ay sumabak si Angel sa mga action drama, kung saan ay talagang ipinamalas niya ang kanyang husay. Ilan naman sa kanyang mga naging proyekto sa Kapamilya network ay Lobo, Imortal, at The General’s Daughter.

Photo credits: google.com

Samantala, maliban sa mga action drama ay may mga romantic drama movies ring ginawa si Angel. Isa na nga rito ang pelikulang Love Me Again na pinagtambalan nila ng aktor na si Piolo Pascual. Sa nasabing pelikula ay kinakailangang sumailalim sa matinding training ng horse back riding si Angel.

At habang nasa shooting ng pelikula ay may mga hindi inaasahang sakuna ang nangyari. Kabilang na nga rito, ang matamaan sa mata matapos paluin ang kabayo para sumunod sa kanyang utos. Ilang beses ring nahulog si Angel sa kabayo dahilan nga upang magtamo siya ng pinsala sa kanyang likod. Dumating rin sa puntong hindi magawang makatayo at makagalaw ni Angel, na naging dahilan nga para dalhin siya sa ospital

Photo credits: google.com

Samantala, nang ialok naman kay Angel ng ABS-CBN movie remake ng Darna, ay matinding paghahanda ang ginawa ni Angel para matiyak na maaari na siyang sumalang sa action drama. Ngunit, sa kasamaang palad, sa kagustuhang maging maayos ang kanyang magiging role ay hindi naging maganda ang dulot sa kanyang ng matinding training na nagpalala sa kanyang kundisyon. Kaya naman, ay hindi na siya ang gaganap nilang Darna sa movie remake.

Photo credits: google.com

Ang aktres nga ay nagkaroon ng bulging sa kanyang spine o ang tinatawag na bulging disc injury kung saan ay hindi na siya maaaring gumawa ng mga action scenes at iba pang mabibigat na gawain na maaaring makaapekto sa kanyang spine. Sumailalim rin sa isang therapy si Angel, para sa ikabubuti ng kanyang likuran. Ayon naman sa doctor ni Angel, ay maaaring humantong sa pagkalumpo ang kanyang kondisyon kapag hindi nagamot.

Photo credits: google.com

Kaya naman, minsan nang napabalita ang plano ni Angel na umalis patungong Amerika upang doon magpaopera. Pag-amin naman ni Angel, kahit ang mga high dosage ng pain reliever ay hindi na tumatalab sa kanya. Matapos namang sumailalim sa MRI ay napag-alaman na hindi pa lumalala ang kanyang kalagayan. Ang tanging kailangan lamang ni Angel ay ang magpahinga at huwag gumawa ng mga mabibigat na aktibidad. Napag-alaman naman noong 2015, na nagtungo sa Singapore si Angel upang magpaopera ng kanyang likod.

Matapos ang ilang taon pamamahinga ni Angel sa telebisyon, ay marami ang nagulat sa muling pagbabalik ng aktres nang masilayan na halos dumoble sa laki ang dating seksi niyang katawan. Ngunit, lingid sa kaalaman ng marami sa likod ng malaking pagbabago sa katawan ni Angel at pagtaas ng kanyang timbang ay ang hindi madaling pinagdadaanan ni Angel sa kalusugan.

Photo credits: google.com

At ang dahilan nga ng paglobo ng katawan ni Angel, ay epekto ng kanyang iniinom matapos magpagamot. Ito nga ang maintenance medication ni Angel na dahilan ng kanyang patuloy na pagdagdag ng timbang.

Sa kabila naman ng masasakit na salitang natatanggap ni Angel dahil sa kanyang biglang paglaki ng katawan, ay nananatili naman ang kanyang pagiging positibo. Ayon naman kay Angel ay wala siyang nakikitang masama sa paglaki ng kanyang katawan at komportable naman siya rito. Hindi rin nagpapaapekto ang aktres sa anumang negatibong komento na ibinabato sa kanya.

Photo credits: google.com

Kamakailan lamang ay napabalita na sumasailam sa healthy lifestyle at pagdadiet si Angel upang mapangalagaan ang kanyang kalusugan.

error: Content is protected !!