Connect with us

Entertainment

“Tulala pa ako hanggang ngayon, Grabe Love mo talaga ako”: Rosanna Roces, Labis ang Tuwa at Hindi Makapaniwala sa Natanggap na Regalo Mula Kay Megastar Sharon Cuneta

Matapos makatanggap ng isang regalo mula sa kanyang kaibigang si Megastar Sharon Cuneta, ay labis na natuwa ang aktres na si Rosanna Roces. Ngunit, hindi naman siya halos makapaniwala sa ibinigay na regalo ng kanyang kaibigan sa kanya.

Hindi inaasahan ng aktres na si Osang na makakatanggap siya ng isang mamahaling bag mula kay Sharon bilang regalo sa nalalapit na pagdiriwang ng kanyang kaarawan. At upang ipaabot ang pasasalamat ng aktres kay Sharon, ay ibinahagi nito ang larawan ng natanggap niyang napakagandang bag mula sa kaibigan kalakip ang caption na puno ng pasasalamat.

Nitong Martes, ay ibinahagi nga ni Osang sa Instagram ang larawan ng mamahaling bag upang makita rin ng kanyang mga tagahanga. At ayon kay Osang, ang mamahaling bag na regalo sa kanya ay isang personalized bag na kung saan ay nakaukit ang kanyang pangalan. Maliban sa labis na pasasalamat sa Megastar, ay inilahad rin ni Osang ang kanyang nadarama matapos matanggap ang surpresa ng kaibigan.

“Thank you very much for the advance b-day gift. Grabe, tulala pa ako hanggang ngayon. Personalized talaga, grabe. Love mo talaga ako.”

Matatandaan na nagkasama si Osang at Megastar Sharon sa pelikulang “Revirginized” sa direksyon ni Daryl Yap. At habang magkasama sa pelikula, ay naging malapit ang dalawa sa isa’t isa na talagang naging magkaibigan. Sa naunang post ni Osang sa Instagram ay sinabi ng aktres na aalagaan niya ang tiwala at pagmamahal na ibinigay sa kanya ng Megastar.

Hindi naman maikakaila na talagang naramdaman ni Osang ang pagmamahal ni Sharon sa kanya. Dahil nga dito, ay inilarawan ni Osang ang kanyang kaibigan bilang isang tao na may mabuting puso. Patunay lamang nga nito, na halos lahat ng napapalapit kay Megastar Sharon, ay nakikita kung gaano kabuti ang laman ng kanyang puso.

Si Rosanna Roces ay nakilala sa industriya ng showbiz bilang isang mahusay na aktres Kilala rin siya sa kanyang tunay na pangalan na Jennifer Cruz Adriano, kung saan ay sumikat sa showbiz magmula dekada 90 hanggang sa kasalukuyan. Siya ay 48 taong gulang na patuloy na ipinapamalas ang husay sa pag-arte. Sa kanyang husay bilang isang aktres, ay ilang ulit na rin siyang nagkamit ng parangal bilang Best Actress sa mga pelikulang kanyang ginampanan.

error: Content is protected !!