Connect with us

Entertainment

Tuesday Vargas, Pinahanga ang kanyang mga Followers sa Kanyang Pasabog na Birthday Photoshoot

‘Life begins at 40’, ito ang sambit ng singer at komedyanteng si Tuesday Vargas sa pagdiriwang ng kanyang 40th birthday nito lamang ika-9 ng Nobyembre, araw ng Lunes.




Tunay nga na ‘age is just a number’, dahil pinatunayan ni Tuesday Vargas na sa edad na 40 ay kaya-kayang niya pa ring maging hot at sexy. At sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan ay nagkaroon si Tuesday ng photoshoot kung saan makikita ang kanyang angking ganda at kaseksihan.

Photo credits: Tuesday Vargas | Instagram

Sa Instagram, ibinahagi ni Tuesday ang mga kahanga-hangang larawan sa kanyang birthday photoshoot na isinakatuparan ng Nice Print Photography.

Makikita sa isang larawan na nagbihis ala-reyna si Tuesday habang nakaupo sa trono at suot ang black dress. Bagay na bagay ito kay Tuesday, lalo’t kita rin ang kanyang mga tattoo sa braso na sinamahan naman ng pagpapakita ng kanyang makinis na binti.

Nagsuot rin ng wig si Tuesday habang nakaawra sa harap ng camera kung saan makikita ang kanyang magandang mukha.

Napakasexy namang tingnan ni Tuesday sa ilang larawan habang suot ang isang sexy metallic deep plunge dress na talaga namang bagay na bagay sa kanyang awra.




May kuha rin ng larawan si Tuesday kung saan prenteng nakaupo at nakaharap sa camera habang kita ang kanyang mohawk hairstyle at tattoo sa dibdib.

Samantala, ang mga larawan sa kanyang IG post ay nilakipan naman niya ng caption na nagsasabing magsisimula pa lang buhay sa edad na 40.

“Forty isn’t old, if you are a tree. Life begins at 40 – but so do fallen arches, rheumatism, faulty eyesight, and the tendency to tell a story to the same person, three or four times.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tuesday Vargas (@tuesday_v) on

Ayon pa kay Tuesday, ay malaki ang pasasalamat niya sa panibagong taon na ipinagkaloob sa kanya upang mamuhay ng masaya at mapayapa. At ang kanyang atensyon ay nakatuon lamang sa mga positibong bagay. Handa na rin siyang harapin ang anumang pagsubok na darating sa kanyang buhay.

“But truly friends, age is a matter of feeling, not of years. I am simply grateful everyday that I elected to place myself in a youthful facination with the world and I feel happy and free. I look at things with hope and positive light because I have seen my fair share of darkness and despair. Now, I look forward to each waking day because I am finally in a good place. It’s as if I was handed a new hand and I am ready to bet on myself again.”

Pinasalamatan rin ni Tuesday ang mga kaibigan at kanyang mga tagahanga na nagpaabot ng pagbati sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

“Cheers to everyone that contributed to the tapestry that is my first 40 years! I raise my glass to 100 more colorful years! Thank you for all your warm birthday greetings. I appreciate each and everyone of them. Onwards and upwards! Aja!”

error: Content is protected !!