Connect with us

Entertainment

Tsong Joey Marquez, May Tips kung Paano nga ba Malaman kung Nagloloko ang Partner sa  Q and A Vlog ng Kanyang Anak na si Wynwyn Marquez

Dahil nga, marami rin ang nasa loob lang ng kanilang tahanan at nakakaramdam ng pagkabagot, ay naghahatid naman ng saya ang mga sikat na YouTuber, at maging kilalang celebrities ng saya at tuwa sa pamamagitan ng kanilang mga nakakatuwa at nakakaaliw na video.

At tulad ng ibang celebrities ay may sariling YouTube Channel na rin ang beauty queen at aktres na si Wynwyn Marquez. Isa na rin ito sa paraan niya upang makapagbigay siya ng saya at update sa kanyang mga tagahanga.

Isang nakakatuwang vlog nga ang hatid ni Wynwyn sa kanyang mga ka-winners, kung saan ay makakasama niya ang kanyang amang si Joey Marquez kung saan ay magkakabukingan sila. Ito ang Q&A vlog na matagal ng hiling sa kanya ng kanyang mga ka-winners, at sa pagkakataon ngang ito ay pagbibigyan na niya ang kahilingan ng mga ito.

Bungad ni Wynwyn sa kanyang vlog, ay kakaiba raw talaga ang taglay na karisma ng kanyang ama noon pagdating sa mga kababaihan. Kaya naman, katulad ng marami ay isa rin siya sa curious at nais malaman mula mismo sa bibig ng kanyang ama kung ano ang style para malaman kung nagloloko ang partner.

Photo credits: Winwyn Marquez | Youtube

Agad namang pumayag ang game na game na si Joey para ilahad ang mga tips na sa tingin niya ay style ng mga manlolokong partner. Ang vlog naman na ito ay pinamagatan ni Wynwyn na “Bukingan Time With Tsong: Episode 1”.

Photo credits: Winwyn Marquez | Youtube

Sa nasabing video ay makikita ang closeness ng mag-ama na tila ba magkabarkada lamang ang mga ito sa kanilang pag-uusap.  Napuno nanan ng tawanan ang kanilang masayang Q&A vlog. Simple naman ang naging kasagutan ni Tsong, ngunit naging direct to the point ito. At diretsahang sinabi ang nais niyang iparating na tila nga kabisado na ang gawain ng mga makarismang tulad niya.

Photo credits: Winwyn Marquez | Youtube

Kinaaliwan naman ni Wynwyn at ng mga manonood ang mga naging kasagutan at opinyon ni Tsong sa tanong ng kanyang anak. Samantala, limang tips ang ibinigay ni Tsong Joey na sa tingin niya ay paraan para malaman kung nagloloko ba ang partner o karelasyon.

Una nga, ay kapag tinanong umano ang partner ngunit hindi agad ito makasagot na tila ba nagbibingi-bingihan. Pangalawa, kapag ang partner raw ay masyadong sweet. Isa umano ito sa palatandaan na may nagawa itong kasalanan.

Photo credits: Winwyn Marquez | Youtube

Pangatlo, kapag tinatawagan raw at hindi sinasagot ang telepono at ang ginagawang rason ay lowbatt ang cellphone o kaya ay walang signal. Pang-apat naman kapag ang partner mo ay nawawalan na ng oras sayo. Isa umano itong senyales na may kahati ka na sa oras niya. At madalas na rin umanong gumawa ng dahilan, o laging busy para hindi magkaroon ng time sa isa’t isa.

Pang-lima ngunit tiniyak ni Joey na 99.99% na nagloloko ang partner kapag nawrongsend ito sayo. Huli man sa lahat, ay ito umano ang pinakaepektibong paraan para mahuli kung nagloloko ang partner.

Photo credits: Winwyn Marquez | Youtube

Makikita naman sa video ang walang humpay na tawanan ng mag-ama. Sa bawat kasagutan kasi ni Tsong ay talagang may nakahanda rin itong halimbawa o sitwasyon sa nakakatawang paraan.

Isa ngang nakakatuwang video ang hatid ng mag-ama kung saan ay lumabas ang pagiging komedyante ni Tsong Joey. Paglilinaw naman nila sa kanilang video, ay opinyon lamang ito, at hindi naman lahat ay ganun ang ginagawa.

Samantala, sa huling bahagi ng video ay sinabi ni Wynwyn na ito pa lang ang simula ng bukingan kasama ang kanyang ama. At marami pa nga ang kaabang-abang na video na talagang magkakabukingan na siyang maghahatid ng malakas na tawa at saya sa kanilang mga ka-winners.

error: Content is protected !!